Monday , December 23 2024

SPEEd sa The Eddys — It’s nice to give recognition to people that we write about

SA nakaraang media launch ng The Eddys, Entertainment Editors’ Awards na gaganapin sa Hulyo 9, 7:00 p.m. sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City inihayag na ng The Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominadong pelikula.

Bilang lang sa daliri namin ang mga napiling pelikula ng SPEEd kaya tinanong namin ang Presidente ng grupo na si Isah V. Red kung bakit kaunti lang ang mga pelikula at ano ba ang cut-off nila?

“’Yung period, we started from January 2016-December 2016, at lahat kami ay napanood namin ang maraming pelikula or ‘yung ibang members ay napanood na nila at kung sila mismo ang nagsabing hindi maganda o pasado sa amin, hindi na namin isinasama. At we also compared our chosen films sa CEB (Cinema Evaluation Board) na nabigyan ng mataas na ranking, we have the copies, so from them, nagkaisa kami kung anong films ang kasama sa nominations,” sagot sa amin.

Ang mag-amang Edu at Luis Manzano ang host ng unang The Eddys at ang performers ay malalaman sa mga susunod na araw.

Mapapanood na ang unang The Eddys Entertainment Editors’ Awards sa Hulyo 9 sa ABS-CBN at produced naman ng Viva Live at ABS-CBN.

Samantala, hindi naiwasang hindi tanungin ang ilang opisyales kung bakit sila magkakaroon ng The Eddys at ano ang talagang layunin ng grupong ito sa entertainment industry? Ano ang pagkakaiba nila sa ibang award giving bodies na namimigay din ng awards?

Paliwanag ni Peoples Journal Entertainment editor, Eugene Asis, ”Nagsimula lang ito as a social club, barkadahan, friendship lang na samahan ng editors, tapos nagkaroon na ng agenda.”

Paliwanag ni Manila Times Entertainment editor, Tessa Mauricio-Arriola, ”nag-enjoy lang talaga kami with each others’ company, we thought since nagmi-meeting na kami at nagsasama-sama kami linggo-linggo so naisip namin na why not do something meaningful din na makatutulong kami sa industriya and one of them is the awards night.

“Besides that, mayroon din po kaming ibang projects we’re hoping also meant for budding journalist.  Mayroon na po kaming scholar na ipinadala sa school at daragdagan pa po namin ‘yun siyempre since mahal namin itong industriya, we also like to mold future entertainment journalist para ma-lift din ang pagtingin sa atin ng mga kasamahan natin in general in publishing.

“This is just one of them, ito naman (awards), dream naman ‘di ba. It’s nice to give recognition to people that we write about, so ito po ‘yung isa sa bucket list namin sana tuloy-tuloy na.

“Mayroon din po kaming orphanage sa Bustos (Bulacan) na sinu-support. Nakapagbigay po kami roon noong Pasko tapos bumabalik din po kami every so often doon kung anuman ang puwede naming maibigay, maliit man o malaki. We also try to do that for them, so binigyan lang po namin ‘yung meaning ng aming pagkakaibigan at pagsasama.”

May pagkakaisa rin ba ang SPEEd sa pagba-ban ng artista, TV network o movie outfit kapag nagkaroon ng problema ang miyembro nila sa mga nabanggit?

“Wala sa agenda namin ang maging revengeful sa mga public relation, sa networks, sa mga producer. What we do kapag mayroon isang member ang medyo naka-feel ng dehado o feeling niya dehado siya, Me as a President, I make representation doon sa network or film production to ask them what the problem is doon sa member. Hanggang doon lang po and then we try to mend their differences along the way. Wala solid na we will ban them, mahirap kasi ‘yan. Alam mo ‘pag nagba-ban ka, bumabalik sa ‘yo ‘yun, eh. Sasabihin nila, ‘kung nagba-ban kayo, iba-ban din natin sila,’” paliwanag mabuti ng SPEED president na si Red

Tinanong naman ni Manay Ethel Ramos ang auditor ng SPEED na si Balita Entertainment editor Dindo Balares kung gaano kalaki na ang seed money ng organization.

“Manay, hindi puwedeng sabihin ang funds namin, pero non-profit po,” kaswal na sagot ni Dindo.

Hirit ni Abante editor, Dondon Sermino, ”in fairness may pondo kami Manay kaya huwag mo kaming intrigahin.”

Sabi pa ni Isah, ”Manay, kung worth ng grupo is more than P10-M because of our intelligence.”

Ready na bang ma-bash ang SPEEd kapag hindi nagustuhan ng netizens ang list of nominees nila?

“Ready? Matagal na kaming ready. Hindi mo naman matatanggal na mayroong mag-bash sa isang organization dahil everybody said na you can’t please everyone. Mayroon sigurong hindi matutuwa sa nominations, mayroon ding matutuwa. So, tingnan na lang natin kung sino ‘yung matutuwa at sinong hindi. Then, we will cross the bridge when we get there,” natawang sagot ni Isah.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *