WALANG katotohanan ang kumakalat na balita o text messages na may mga miyembro ng Maute terrorist sa Metro Manila, ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko, at idiniing huwag basta maniniwala.
Sinabi ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, inaasahan nila ang kaliwa’t kanang pananakot sa gitna nang maigting na operasyon ng mga tropa ng pamahalaan laban sa mga tero-ristang grupo, tulad ng Maute at Abu Sayyaf.
Dagdag ng NCRPO director, dapat maging maingat at kalmado ang publiko ngunit hindi ito nangangahulugan na maaapektohan ang mga araw-araw na mga gawain. Hinihiling ni Albayalde ang kooperasyon ng publiko, tulad ng pagsu-sumbong tuwing may naiiwang gamit o mga taong kahina-hinala ang ikinikilos.
Nitong nakalipas na ilang araw, ilang text messages ang kumalat sa Metro Manila, sinasabing manggugulo sa NCR ang ilang mga terorista, makaraan mailipat sa Metro Manila ang tatay ng Maute brothers.
(JAJA GARCIA)