Saturday , November 16 2024
dead gun police

Chief intel officer todas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang chief intelligence officer ng Alaminos police sa Laguna, makaraan tambangan at pagbabarilin ng ilang lalaki sa naturang bayan, nitong Lunes.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng surveillance operation ang intelligence operatives sa pangu-nguna ni PO3 Eduardo Cruz at dalawang iba pa nang pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay ng isang Mitsubishi Adventure sa Del Pilar St., Brgy. Poblacion I, ayon kay Alaminos police chief, Sr. Insp. Julimar Seloterio.

Tinamaan ng bala sa dibdib si Cruz at idineklarang dead-on-arrival sa ospital habang nakaligtas ang dalawa niyang kasamahan.

Nasakote ang hinihinalang mga gunman sa checkpoint. Kinilalang sina Airman 2nd Class Lester Catungal ng Philippine Air Force, at Jonald Luna, isang dating miyembro ng Philippine Marines. Habang nakatakas ang isa pang suspek na si Jim Noel Opena.

Nakuha kina Luna at Catungal ang isang baby armalite, isang kalibre 9mm Beretta at ilang bala.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *