ARESTADO ang walo katao bunsod nang ‘ginawang’ kaguluhan sa pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, nitong Lunes.
Nagpakilalang mga miyembro ng grupong Bayan at Gabriela, inaresto ng mga pulis ang mga demonstrador nang itaas ang kanilang kamao at sumigaw ng “Huwad na kalayaan!” habang nagsasalita si Senator Panfilo Lacson sa nasabing pagdiriwang.
Ang mga inaresto ay isinakay sa police mobile habang patuloy sa pagsigaw at nakataas ang kanilang kamao.
Sina Lacson at Tourism Secretary Wanda Teo ang nanguna sa nasabing pagdiriwang sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, lugar na iprinoklama ang kalayaan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898
Kabilang sa aktibidad ang pag-alay ng bulaklak sa puntod ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa likod ng dambana.