Tuesday , December 24 2024

70 Lanao cops ‘unaccounted’ (Sa sagupaan sa Marawi)

UMAABOT sa 70 pulis mula sa Lanao provinces ang ‘unaccounted for’ magmula nang sumiklab ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at Islamic State (IS)-inspired terrorists sa Marawi City nitong Mayo, ayon sa top COP ng rehiyon.

“Hindi pa po na-account ang lahat pero patuloy po namin silang hina-hanap. Hindi pa masabi ang bilang ngayon, pero noong huling count ay nasa 70 po, sa buong Lanao na po iyon,” pahayag ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, police director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“Hindi nagre-report, hindi ma-account. Hindi naman sila necessarily nawala. Baka naipit lang sa kung saan,” dagdag ni Sindac.

Aniya, hindi maaaring na-trap ang nawawalang mga pulis sa Marawi nang kubkubin ng mga terorista ang ilang vital installations  at naglunsad ng pagsalakay sa nasabing lungsod noong 23 Mayo.

“Hindi namin dini-discount ang possibility, pero hindi naman po malaki ang chance na ganoon po,” ani Sindac.

Aniya, ilang pulis ang maaaring hindi nakapag-report sa kanilang unit dahil sa saradong mga kalsada.

Ang mga pulis ay sumusuporta sa mga sundalo sa pakikisagupa sa daan-daang local and foreign fighters sa Marawi.

Hanggang nitong Sabado, ang bilang ng mga tropa ng gobyerno na napatay sa sagupaan ay umabot sa 58. Habang 20 sibilyan ang napatay. Sa kabuuan, mahigit 100 katao na ang napatay.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *