Tuesday , December 24 2024

US troops kasama ng AFP vs ISIS sa Marawi (Kinompirma ng Palasyo)

061217_FRONT

KINOMPIRMA ng Palasyo ang presensiya ng tropang Amerikano sa Marawi City ngunit limitado ang kanilang pag-ayuda sa aspektong teknikal sa mga operasyon ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) laban sa mga terorista.

“The United States is assisting the Armed For-ces of the Philippines (AFP) in its operations in Marawi but this is limited to technical assistance,” pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

May mga umiiral aniyang “protocols” sa i-lalim ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board ang Filipinas at US allinsunod sa PH-US Mutual Defense Treaty of 1951.

Wala aniyang direktang partisipasyon ang mga Amerikano sa ope-rasyong militar dahil ipinagbabawal ito ng batas.

Bukas aniya ang Fi-lipinas sa alok na tulong ng ibang nasyon dahil ang laban kontra-terorismo ay hindi lamang problema natin o ng Amerika kundi maging ng mga bansa sa buong mundo

“The fight against terrorism, however, is not only the concern of the Philippines or the United States but it is a concern of many nations around the world. The Philippines is open to assistance from other countries if they offer it,” ani Abella.

ni ROSE NOVENARIO

PAGKAMATAY
NG 13 MARINES
IKINALUNGKOT
NG PALASYO

 

LABIS na ikinalungkot ng Palasyo ang pagkamatay ng 13 kagawad ng Philippine Marines sa paki-kipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute /ISIS  Marawi City noong Biyernes.

Magiting na nakipag-hamok para sa mga kapa-tid nating Maranao ang mga sundalo para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista, ayon kay Abella.

Ang insidente aniya ang lalong nagpaigting sa pagnanais ng gobyerno na linisin ang Marawi sa mga kriminal, isalba ang mga sibilyan at ibalik ang kaayusan, seguridad at normal na sitwasyon sa siyudad at mga residente.

Personal na nakiramay kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo nang dumating ang kanilang labi sa Villamor Airbase, Pasay City.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *