Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
IPINAKIKITA ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang retrato ng suspek na kinilalang si Jessie Carlos, responsable sa pag-atake sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 37 katao. (BONG SON)

RWM gunman sangkot sa pagpaslang sa ex-pulis at abogado

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng pagkakaugnay ni Jessie Javier Carlos, ang gunman sa pag-atake sa Resorts World Manila, sa dalawang lalaking pinatay sa Paco, Maynila, nitong 1 Hunyo.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, nakatanggap sila ng ulat na si Carlos at ang napaslang na sina Elmer Mitra, Jr., at Alvin Cruzin, ay kilala ang isa’t isa.

Ayon kay Albayalde, bineberipika nila ang  impormasyon na sina Carlos, Mitra at Cruzin ay nagkita bago ang gabi nang naganap ang pag-atake sa Resorts World, na nagresulta sa pagkamatay ng 38 katao.

“Malaki ang chances na before mangyari ang Resorts World Manila incident, ay magkakasama ‘yung tatlo,” pahayag ni Albayalde.

“Ang hinihintay na lang natin dito, ‘yung CCTV na ibibigay sa atin ng Resorts World, ‘yung the night before,” aniya.

Sinabi ng NCRPO chief, ang dalawang lalaki ay binaril sa loob ng isang sasakyan, na bumaliktad at bumangga sa gutter. Natagpuan silang patay makaraan ang insidente.

Aniya, narekober sa pinangyarihan ang insidente ang 9mm pistol.

Gayonman, hindi pa inilalabas ng pulisya ang resulta ng ballistic tests mula sa dalawang biktima.

Ayon kay Albayalde, ang gunman at si Cruzin ay magkakilala dahil ang huli ay dating police officer na naging casino fi-nancier. Habang si Mitra, aniya, ay isang abogado.

“Doon po sila nagsama… Marami tayong nakuhang information na talagang si Cruzin at Jessie ay magkasama sa negos-yo sa pagpi-finance sa casino,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …