Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoys maging mabuting mamamayan (Panawagan ni Digong sa ika-119 Araw ng Kalayaan)

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino na suklian ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan.

Sa kanyang mensahe para sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, inihayag ng Pa-ngulo ang kanyang paki-kiisa sa sambayanang Fi-lipino sa paggunita sa mga sakripisyo ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para palayain ang bansa laban sa mga mananakop.

Hindi aniya naging madali ang paglalakbay tungo sa kasarinlan, dugo, pawis at buhay ang inialay ng ating mga ninuno para sa tinatamasa nating mga karapatan ngayon bilang malayang mga mamamayan.

“Sa gitna ng mga pagsubok, ang pagmamahal sa bayan at ta-tag ng kalooban ang nagbigay-daan upang makawala tayo sa tanikala ng pagka-alipin at pang-aabuso,” anang Pangulo.

Samantala, ang pasya ng ilang grupo na maglunsad ng “National Day of Prayer and Action for Peace and Human Rights” sa Maynila nga-yon, ay pruweba na masigla ang demokrasya sa Filipinas, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

“As PRRD, quoting a famous line, repeatedly said, ‘He may not agree with what you say, but he’ll defend to the death your right to say it.’ This right includes the right to air people’s grievances, including  opposition to the proclamation of martial law in the whole island of Mindanao,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

NCRPO FULL ALERT
SA INDEPENDENCE DAY

MANANATILING full alert ang mga awtoridd sa Metro Manila, bunsod ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Lunes.

“We will celebrate our 119th Independence Day by remaining full alert. All security preparations remain in place,”  pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Kim Molitas.

“Security protocols will be followed during the traditional celebration at the Luneta Park and all other events in Metro Manila,” ayon kay Molitas.

Pinatindi ng pulisya ang paghahanda sa seguridad sa gitna ng pangambang pag-atake ng mga terorista bunsod ng espekulasyon ng “spillover attack” sa Metro Manila mula sa nagpapatuloy na sagupaan sa Marawi City.

MRT, LRT MAY LIBRENG
SAKAY SA FREEDOM DAY

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day, ang mga pasahero ay maaaring sumakay nang libre sa Light Rail Transit Lines 1 and 2, at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong araw, 12 Hunyo.

Sinabi ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 sa Twitter, ang mga pasahero ay maaa-ring mag-enjoy sa free rides sa itinakdang mga oras, mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at mula 5:00 pm hanggang 7:00 pm.

Ang libreng sakay ay kasabay nang paglulunsad ngayong araw ng gobyerno sa free public Wi-Fi sa kahabaan ng EDSA.

Ipagdiriwang ng bansa ang ika-119 Araw ng Kalayaan sa temang “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …