KILALANIN si Nyakim Gatwech, ang modelong mula sa South Sudan na talaga namang naging bagyo ang dating sa daigdig ng fashion sanhi ng kanyang flawless midnight complexion, penetrating gaze at unwavering message of empowerment.
Katumbas nang tindi ng kanyang determinasyon ang alindog ng 24-anyos na African beauty — na ngayo’y naninirahan sa Minnesota.
May misyon si Gatwech: i-promote ang skin positivity at self-acceptance sa kababaihan na may dark complexion. Kasabay ng kanyang kabigha-bighaning mga larawan, na may mahigit 100,000 follower sa Instagram, sadyang nagpapalabas siya ng mga inspirational message para sa mga babaeng nahihirapang maging komportable sa kanilang kutis.
Kasabay din ng isa sa kanyang pinakapopular na mga larawan sa Instagram, ibinahagi ni Gatwech ang isang Marcus Garvey quote na kumakatawan sa kanyang sariling pananaw: “The black skin is not a badge of shame but rather a glorious symbol of national greatness.”
Sa panahon na uso ang skin brightening at whitening cream, niyakap ng South Sudanese model ang kanyang dark complexion na may pagmamayabang.
Umani para kay Gatwech ang kanyang moonshine dark skin ng bansag na ‘Queen of the Dark’ — o Reyna ng Dilim — para patunayan na ang kagandahan ay itinuturing din ayon sa kutis at kulay.
Kamakailan, ibinahagi ng modelo ang kanilang usapan sa Instagram ng isang Uber driver na nagtanong sa kanya kung ikinokonsidera niya ang pabi-bleach ng kanyang balat.
Sinulat ni Gatwech sa Instagram: “I was (asked by) my Uber driver the other day, he said, ‘Don’t take this offensive but if you were given 10 thousand dollars would you bleach your skin for that amount?’”
Tinawanan niya lang ito, aniya: “I couldn’t even respond I started laughing so hard. (Then) he said, ‘So that a no’ and I was like hell to the f*king yeah [that’s] no. Why on earth would I ever bleach this beautiful melanin God [blessed] me with. (Then) he said so you look at it as a blessing? You won’t believe the kind of questions I get and the kind of looks I get for having this skin.”
ni Tracy Cabrera