Tuesday , December 24 2024

1-M blood bags na target ng PH kinapos — Ubial

HINIKAYAT ni Health Secretary Paulyn Ubial ang mga Filipino na mag-donate ng dugo dahil kinapos ang bansa sa target na isang mil-yong blood bags nitong nakaraang taon.

Sinabi ni Ubial, ang Department of Health (DoH) ay nakakolekta lamang ng tinatayang  920,000 blood bags nitong nakaraang taon, mas mababa sa global target na isang porsiyento ng populasyon ng bansa, bilang blood donors.

Binigyang-diin niya ang benepisyo ng pagdo-donate ng dugo lalo sa kalalakihan, na hindi dinaratnan ng buwanang dalaw, aniya’y nakatutulong sa pag-generate ng bagong blood cells.

“There are many bene-fits when you donate blood, but what we want to promote is the principle of altruism or when you voluntarily or selflessly help others. It is better to become a blood donor than a blood recipient so donate blood now,” ayon kay Ubial.

“New blood is circulating in your body on a regular basis when you donate. It is important especially among men because they do not mens-truate. It would be a good practice for you if your old blood cells are replaced by new blood cells,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Ubial, hindi lahat ng donors ay tinatanggap ng DoH, ipinuntong ang mga sumailalim sa “ear pier-cing” o nagpalagay ng tattoo sa loob ng anim buwan, ay hindi maaa-ring mag-donate ng dugo. Ang mga Filipino na bumiyahe sa mga lugar na may mosquito-borne diseases ay hindi rin maaaring mag-donate ng dugo, dagdag pa ni Ubial.

“We do not promote that people with risky behavior to donate blood so those who wish to donate are interviewed before blood donation takes place. For example, those who underwent ear piercing, tatooing and have had injection within the last six months are not accepted for blood donation,” aniya pa.

Sinabi ni Ubial, umaasa ang DoH, na sa pamamagitan ng pinaigting na information campaign hinggil sa blood donation, ay ma-tulungan ang ahensiya na makamit ang target na mahigit isang mil-yong blood bags sa 2017.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *