Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Warriors binitbit ni Durant sa 3-0 abanse

ISINALPAK ni Durant ang 7 dikit na puntos mula sa 11-0 panapos ng Golden State kabilang ang pambaong tres sa huling 45 segundo upang wasakin ang pag-asa ng Cavaliers, 118-113 at ipinoste ang pinakamaha-lagang 3-0 bentaha sa kanilang umaatikabong 2016-2017 NBA Finals showdown sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio kahapon.

Naiiwan sa 107-113 sa huling dalawang minuto, kinarga ni Durant ang Golden State nang magpakawala siya ng magkasunod na jumper upang dumikit sa 111-113 bago ma-rebound ang sablay ni Irving at ita-rak ang nagliliyab na tres sa harapan mismo ni LeBron James upang aga-win ang manibela, 114-113, 45 segundo.

Ang kanyang kasangga na si Stephen Curry ang tumapos sa tangkang paghabol ng Cavs sa pagbuslo ng apat na walang kabang free throws para selyohan ang 3-0 bentaha sa Finals.

Kumana ng 31 puntos si Durant habang nagdagdag ng 30 at 26 puntos si Klay Thompson at Curry, ayon sa pagkakasunod para sa Warrios na rumekta sa 15 sunod na panalo at wala pang talo sa playoffs.

Lumapit sa isang hakbang ang Golden State mula sa asam na kampeonato. Tatangkain nilang tapusin ang serye sa Game 4 na lalaruin pa rin sa homecourt ng Cleveland.

Samantala, susubukang pahabain ng Cavs ang laban sa likod ng pambatong si James na nagre-histro ng muntikang triple double na 39 puntos, 11 rebounds at 9 assists gayondin sa katambal nitong si Kyrie Irving na nagliyab sa 38 puntos.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …