Saturday , November 16 2024

Sanggol kritikal nang ipanangga ng tulak sa pulis (Sa anti-crime ops)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang sanggol na ginawang ‘panangga’ ng isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kalaunan ay napatay makaraan lumaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa ikinasang anti-criminality campaign sa Pandacan, Maynila, kahapon ng mada-ling-araw.

Ayon sa MPD Homicide Section, agad bina-wian ng buhay ang suspek na si Edwin Pore, 30-35 anyos.

Habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PCGH) ang sanggol na si John Alejandro Cuesta, 7-buwan, dahil sa tama ng bala sa tiyan.

Samantala, kalaboso ang kasama ng suspek na si Reggie Roxas, alyas Bakulaw, 41, residente sa 1228 Interior 14, Duran St., Kahilum II, Pandacan

Base sa ulat ng pulis-ya, naganap ang insidente dakong 12:40 am sa bahay ng suspek na si Roxas.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag sa telepono ang Labores Police Community Precinct, sakop ng MPD-PS 10, kaugnay sa illegal gambling na video karera at bentahan ng shabu sa Kahilum Int. 13, Duran St., kaya nagres-ponde ang mga operatiba sa pangunguna ni S/Insp. Val Valencia.

Hinabol ng mga pulis ang dalawa hanggang madakip si Roxas, habang puwersahang pumasok sa ikalawang pa-lapag ng bahay si Pore at nadatnan sa loob ang sanggol, isang 4-anyos babae, at lola nilang si Jocelyn Jacutina.

Hinablot ni Pore ang sanggol at ginawang panangga habang nagpapaputok ng baril. Gumanti ng putok si PO1 Melvin Melchor ngunit tinamaan sa tiyan ang sanggol.

Sa patuloy na palitan ng putok, tinamaan si Pore, naging dahilan ng kanyang kamatayan.

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *