Wednesday , May 7 2025
money thief

P.7-M koleksiyon tinangay ng tandem

TINANGAY ng hindi nakilalang riding-in-tandem na holdaper ang malaking halaga ng salapi sa tatlong kawani ng isang establisiyemento sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang sakay ng isang L-300 van (TGQ-791) patungo sa kanilang tanggapan sina Jhonny Eugenio, Danilo Bustamante at Dominic Llena makaraan kolektahin ang P700,000 cash sa mga kliyente ng kanilang kompanyang Tindahang Pinoy Commo-dities Inc., sa 2 Dalisay St., Serrano Subdivision, Marulas, Valenzuela City, nang harangin sila ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo, dakong 2:45 pm sa Little Tagaytay St., Brgy. Marulas.

Bumaba ang nakaangkas sa motorsiklo at tinutukan ng baril sina Bustamante at Llena na kapwa nakaupo sa harapan, habang ang driver ng motorsiklo ay nagtungo sa nagmamanehong si Eugenio at nagdeklara ng hol-dap.

Puwersahang kinuha ng mga suspek ang dalang bag nina Bustamante at Llena na naglalaman ng koleksiyon bago sumakay sa kanilang Yamaha Mio na walang plaka at tumakas patungo sa hindi batid na direksi-yon.

Humingi ng tulong ang mga biktima sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3, na agad nagsagawa ng follow-up operation ngunit hindi inabutan ang mga holdaper.

Samantala, inaalam ng pulis-ya kung may naganap na “inside job” sa insidente lalo’t batid ng mga suspek na may dalang malaking halaga ng koleksiyon ang tatlong kawani.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Placente

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *