Tuesday , December 24 2024
prison

Korupsiyon sa Camp Bagong Diwa ugat ng riot

IBINUNYAG ng isang inmate ng Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, na init ng ulo dahil sa mga tiwaling prison official ang ugat ng riot ng mga preso nitong Martes, na ikinamatay ng dalawang inmates at 15 ang nasaktan.

Ayon sa nasabing inmate na tumangging magpabanggit ng pa-ngalan, mainit ang ulo ng mga preso dahil sa kawalan ng tubig at kor-yente sa piitan na pinagkakakitaan ng mga opisyal.

Aniya, hinihingian ang mga preso ng P1 mil-yon para sa mga generator at pambili ng transformer na nasira mahigit isang linggo na ang nakararaan.

Nakakalap aniya ang mga inmate ng P500,000 para sa generator ngunit surplus ang binili ng mga opisyal kaya nasira ito makaraan lang ang dalawang araw.

Dagdag ng source, may patong ang mga o-pisyal sa mga paninda sa preso at hinahadlangan ang mga bisita na magpasok ng mga pagkain.

Talamak din aniya ang droga sa MMDJ dahil hinahayaan itong makapasok ng mga opisyal.

“Ang mga isiniwalat ko sa inyo ay ang dahilan kung bakit buryong ang mga tao sa MMDJ,” aniya.

Dagdag niya, lumala ang riot ng Bahala Na Gang at Sputnik Gang dahil hindi sila inawat ng mga bantay.

“Hindi dapat lalala ang problema kung inawat lang nila kaagad, ang problema ang sabi ni (jail warden) Taol sa mga tauhan niya ay pabayaan na muna at mapapagod din ang mga nagra-riot, hanggang may napatay kaya naghanap ng bawi ang magkabilang pangkat,” kuwento ng source.

Hindi pa nakukuha ang panig ng mga opis-yal ng MMDJ hinggil sa alegasyon.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *