KUNG ginawa niya ito noong April 1, maaaring maniwa-lang ito’y isang April Fools’ joke, pero hindi: sadyang lumitaw ang supermodel na si Kendall Jenner sa Los Angeles nitong nakaraang 31 Marso na suot ang isa sa masasabing ‘most questionable denim trends’ na ating nakita sa fashion scene.
Nakuhaan ang 21-anyos na modelo ng paparazzi na suot ang pinapaniwalaang denim shorts na itinerno niya sa oversized, red-and-white-striped button-down Oxford shirt na idinisenyo ng Balenciaga. Makikita ang isang panel na nakasilip sa dulo ng shorts nguniy kung iinspeksiyonin, malinaw na naimbento ni Jenner ang bagong fashion trend para sa tagsibol (spring), at binansagan itong ‘invisible jeans.’
Nakakabit sa jorts ang frayed seams na pababa sa magkabilang gilid ng hita’t binti ng modelo at frayed cuffs din sa kanyang bukong-bukong. Maiisip na suot ni Jenner ang isang pares ng jeans na ang malaking bahagi ay sadyang gi-nupit at tanging ang three-dimensional outline ang nalalabi. Dangan nga lang ay mapagmamasdan ang kakaibang ensemble at iisipin: “Kendall’s a style rebel.”
Dapat pa rin purihin ang supermo-del sa lakas ng loob na magsuot nang ganito, habang alam naman nating lahat na kilala si Jenner sa kanyang skill para gumawa ng ‘headline’ gamit ang ‘crimes of denim fashion’ na bumaba-latkayo bilang bagong fashion trend.
Noong summer 2015, binigla ng nakababatang kapatid ng mga Kardashian ang social media nang magsuot siya ng isang pares ng baggy, knee-length cut-off jeans shorts na ayon sa isang site ay “girlfriend jorts” at “the ugliest effing shorts we’ve ever seen.” Mabuti lang na hindi ito nauso gaya ng inaasahan ng ilan. Nakilala rin si Jenner sa pagsusuot ng ‘mom jeans’ sa maraming okasyon — at kahit paano ay glamoroso ang na-ging dating ng ating paboritong modelo.
ni Tracy Cabrera