Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamana ni ‘Mama Sita’ pinarangalan ng Navotas

BINIGYANG-PARANGAL ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas si Teresita R. Reyes, kilala bilang “Mama Sita” at nagtatag ng Marigold Manufacturing Corporation.

Iginawad ni Mayor John Rey Tiangco ang isang “plaque of appreciation” kay Clara Reyes-Lapus, anak ni “Mama Sita,” para sa donasyon ng kanyang pamilya na koleksiyon ng Te-resita “Mama Sita” R. Reyes commemorative stamps (series of 2013-2015) at dalawang set ng Mama Sita’s cookbook.

“Ipinagmamalaki natin na may mga kapwa Navoteño tayo na may malaking ambag sa kasaysayan ng lutong Filipino. Hangad natin na ang pa-mana ni Mama Sita at ng Pamilya Reyes ay magbigay-inspiras-yon sa mga Navoteño, lalo na sa ating kabataan, na alamin kung saan sila magaling at magsikap na magtagumpay dito,” ani Tiangco.

Panganay si “Mama Sita” ni Engracia Cruz-Reyes, nagtatag ng sikat na Aristocrat restaurant at isang Navoteña. Gumawa siya ng mga halo at sarsa na nakatulong madala ang mga paboritong ulam Pinoy tulad ng sinigang, kare-kare, caldereta at Manila-style barbecue sa hapag ng mga Filipino sa abroad.

Habang si Reyes-Lapus ay nagtapos ng arkitektura pero nag-ukit din ng kanyang pa-ngalan sa mundo ng kulinarya. Sa pag-i-export niya ng mga produkto ng “Mama Sita,” na-ging bukambibig sa 46 bansa ang kanilang brand.

Sinabi ni Tiangco, “Maha-lagang itampok natin kung ano man ang mga yaman ng ating lungsod. Hangad natin na maisulong hindi lamang ang kulturang Navoteño, kundi pati ang mga produktong nalikha at napagyaman natin gamit ang mga sangkap na galing dito,” aniya.

Kamakailan, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang pangalawang round ng One Barangay, One Product na naglalayong isulong ang paggamit ng mga likas na yaman ng Navotas. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …