Saturday , November 16 2024

P5-M utang sa Meralco umutas ng 2 preso, 17 sugatan (BJMP district jail sa Camp Bagong Diwa naputulan ng koryente)

060817_FRONT
PATAY ang dalawang preso habang 17 ang sugatan sa naganap na riot sa loob ng Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, nitong Martes ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga presong sina Lucky Natividad, miyembro ng Bahala na Gang, at Gerald Tolentino, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, kapwa may mga tama ng saksak sa katawan.

Habang ang 17 sugatan, kabilang ang apat na kritikal ang kondisyon, ay nilalapatan ng lunas sa infirmary facility ng na-sabing piitan.

Base sa report kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Serafin Barreto, dakong 6:50 pm, nagsagawa ng noise barrage ang mga preso dahil isang linggo nang walang koryente sa kanilang selda.

Bukod sa madilim ang kulungan ay napakainit sa loob kaya posibleng nairita at naburyong ang mga preso kaya nagsagawa ng noise barrage na humantong sa riot.

Paliwanag ni Barreto, naputol ang supply ng koryente dahil sa hindi nabayarang P5 milyon electric bills. Ang piitan ay kasalukuyang guma-gamit ng generator.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *