Friday , November 15 2024

Desisyon ng CSC ibinasura ni Bistek

MATATANDAANG kinansela mga ‘igan ng Civil Service Commission (CSC) ang appointments ng dalawang opisyal ng Engineering Department ng Quezon City government, dahil sa violations sa CSC rules.

Kinansela ng CSC ang appointments nina Ma. Michelle A. Bogarin bilang Administrative Officer IV at Engr. Gerardo Cabungcal bilang Engineer V, nang ma-appoint sila sa City’s Engineering Office.

Ito’y matapos ireklamo ng ilang kuwalipikadong-empleyado sa nasabing mga posisyon na sina Hyniette Corpuz, Leo Del Rosario at Ma. Corazon Matias, na Engineer IV ng nasabing departamento.

Matapos ang masusing pagsusuri ng CSC sa record nina Bogarin at Cabungcal, napag-alaman na ang pagkakatalaga nila ay hindi ayon sa CSC rules, partikular ang Section 80 (a) of Republic Act 7160, otherwise known as the Local Government Code that provides the requirements of public notice to any vacancies, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga interesado at kuwalipikadong empleyado na mag-apply sa mga posisyong inihahain.

Ang matindi mga ‘igan, lumabas sa reklamo, na itong si Cabungcal ay kapatid umano ni Joselito Cabungcal na Officer-In-Charge ng Engineering Department. Sus ginoo, hindi ba’t kasong “nepotism” ito sa Civil Service? Anong karapatan nitong si OIC Cabungcal na magtalaga ng sinomang kamag-anak? At ito namang si Bogarin ay parang kabuting sumulpot sa nasabing posisyon sa engineering office na hindi man lamang dumaraan sa ‘ika nga’y “panel of interviews” ng Board.

Ano ba ‘yan! Dahil dito’y pinagtibay at nilagdaan ng CSC ang pagpapawalang-bisa sa appointments nina Cabungcal at Bogarin sa Quezon City Engineering Department.

Ngunit, paanong nangyaring inaprobahan umano ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang appointments nina Cabungcal at Bogarin? Ayon sa pirmadong rekord ni Mayor Bautista, “Office Order No. 13, Series of 2012…Cabungcal and Bogarin are hereby designated as Engineer V and Administrative Officer V, respectively, of the City Engineering Department…

Ano ito Mayor?

Ayon sa aking pipit-na-malupit, matagal-tagal na panahon ang isinakripisyo ng mga kuwalipikadong empleyado sa mga nasabing posisyon. Hiling sa BBB na mabigyang lunas at matuldukan ang pambababoy sa Civil Service Commission’s decision ni Bistek at mabigyan sila ng katarungan.

Abangan ang iba pang detalye sa isyung ito…

BARANGAY CHAIRMAN
LULONG SA CASINO

NAKADEDESMAYA mga ‘igan ang sinapit ng 37 katao na namatay sa Resorts World Manila (RWM), dahil sa pag-atake ng suspek na kinilalang si Jessie Carlos, isang dating Finance employee, na lulong sa casino! Marami pang buhay ang masasawi kung hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa pagsaliksik sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na lulong sa masasamang bisyo! Isipin n’yo na lang mga ‘igan, gahaman o’ adik palang ‘yan sa sugal. E, paano ‘yung mga gahaman na sa sugal at adik pa sa droga pag namuryot? Baka, tangkeng pang-giyera na ang dala pag nagmuryot sa Casino. He he he…

Sa usaping ito mga ‘igan, kailangan ang pakikiisa at malasakit nang lahat para maisalba ang taongbayan, partikular sa kuko ng tiwaling barangay officials na lulong sa masamang bisyo.

Ayon sa aking pipit-na-malupit, inilagay sa isang reklamo sa Ombudsman ang pagkagumon sa casino mismo ng isang barangay official sa Brgy. 659-A Zone 71 District V, Ermita, Manila na nakasasakop sa Plaza Lawton. Dagdag ng aking pipit-na-malupit, ang Plaza Lawton ang isa sa pinakamalaking illegal terminal sa bansa na pinagkakakitaan ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno. Kasama ang mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihang pulisya at opisyal ng barangay sa pangunguna ni reyna este barangay chairman Ligaya.

Abangan!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *