Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang ‘Terminator’ robot ng Russia

NAPAPANAHON na para lumuhod sa SKYNET. Sakaling hindi kayo pamilyar sa Terminator franchise, ito ang role na nagbigay kay Arnold Schwarzenegger ng ‘walk around’ sa pagpatay ng sinoman, at pagbigkas na rin sa famous phrase na “I’ll be back.”

Basically, ipinakita sa mga pelikula ang nakalulungkot na kinabukasan ng sangkatauhan, na ang mga computer at artificial intelligence ang magdedesisyong ang mga tao ang tunay na problema ng daigdig.

Salamat sa bagong Russian robot, ang mundo’y isang hakbang na mas napalapit sa tadhanang ito.

Ayon sa Kremlin, ang robot ay tinatawag na F.E.D.O.R. Ito’y acronym para sa Final Experimental Demonstration Object Research. Kamakailan, nag-post ng video ng robot si Russian deputy prime minister Dmitry Rogozin, at makikita sa footage na nagmamaneho ang mechanical behemoth at bumubuhat din ng iba’t ibang timbang. Bukod dito, ipinakita rin ang robot habang bumabaril sa isang firing range.

Sinabi sa tweet ni Rogozin na kayang bumaril ng FEDOR gamit ang dalawang kamay nito.

Dangan nga lang ay agad na idinugtong ng opisyal: “We are not creating a Terminator, but artificial intelligence (AI) that will be of a great practical significance in various fields.”

Pero naniniwala rin naman ang mga Russian na ang combat robotics ay mahalagang bahagi sa pagpapaunlad ng susunod na breakthrough sa larangan ng AI.

Apparently, lumilitaw na makatutulong nang malaki ang pagtuturo ng husay sa paggamit ng baril sa dalawang kamay para sa pagtatanghal nito sa ‘field of aviation.’

Ngunit may mas mataas na pag-asa pa ang mga Russian kay FEDOR. Plano nilang ipadala ang advanced robot sa International Space Station (ISS).

Nagmumula ang pondo para sa FEDOR sa Advanced Research Fund. Responsable ang Android Technics para sa konstruksiyon at programming. Plano ng mga siyentista na ipadala sa ISS sa taong 2021.

Sa puntong ito, umaasang napaigting na ng robot ang decision-making abilities nito at maging ang kanyang motor movements. Ang problema nga lang ay hindi pa masabing totoo mula sa mismong si FEDOR.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

DOST SOCCSKSARGEN DRRM RDRRMC XII

DOST XII RD Malawan and DRRM Focal Gain Awards during SOCCSKSARGEN DRRM Recognition Ceremony

The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII, in partnership with the Office of …