Saturday , November 16 2024
dead gun police

Parak tigbak sa surveillance ops vs tulak

PATAY  ang isa sa dalawang pulis na nagsasagawa ng surveillance operation sa dalawang hinihinalang drug pushers, makaraan pagbabarilin ng mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si PO2 Froilan Deocares, nakatalaga sa Northern Police District Drug Enforcement Unit (NPD-DEU), sanhi ng tama ng bala sa bibig.

Ayon kay Caloocan Police chief, S/Supt. Chito Bersaluna, dakong 7:45 pm, nagsasagawa ng surveillance operation sakay ng motorsiklo (7604-PC) sina Deocares at PO2 Rolando Tagay sa dalawang hinihinalang drug pushers na sina alyas “Ngongo Pinka” at “Tisoy” nang mapansin nila ang mga suspek na lulan din ng motorsiklong walang plaka sa kahabaan ng C-3 Road.

Sinundan ng dalawang pulis ang mga suspek ngunit pagsapit sa kanto ng C-3 Road at Torsillo St., Brgy. 28, nakatunog na may sumusunod sa kanila.

Bunsod nito, pinaputukan ng mga suspek ang dalawang pulis naging dahilan upang tamaan ng bala sa bibig si Deocares.

Gumanti ng putok si Tagay pero mabilis na nakatakas ng mga suspek. (ROMMEL SALES)

PULIS-MALABON
SUGATAN SA AMBUSH

MALUBHANG nasugatan ang isang pulis makaraan pagbabarilin ng walong lalaking lulan ng apat motorsiklo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila ang biktimang si PO3 Rommel Abarro, 45, ng Block 112, Lot 36, Heritage Homes, Brgy. Gregorio, Trece Martires, Cavite, at nakatalaga sa Malabon Police Intelligence Unit.

Sa inisyal na report na isinumite sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) director, C/Supt. Roberto Fajardo, dakong 8:30 pm, binabagtas nina Abarro at ang kanyang asawa ang Road 10 Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan sa balikat ang biktima pero nakaligtas ang kanyang misis.

Bagama’t sugatan, nagawang patakbuhin ni Abarro ang sasakyan ngunit hinabol sila ng mga suspek hanggang makarating sa Vitas Katuparan Bridge sa Tondo, at gumanti ng putok ang biktima.

Humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrolyang mga operatiba ng Manila Police Station 1 na nagdala sa kanya sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa tangkang pagpatay sa biktima na dating miyembro ng Malabon Police Drug Enforcement Unit.

(ROMMEL SALES)

PARAK SINAKSAK,
EX-CON SWAK
SA KULUNGAN

BUMAGSAK sa kulungan ang isang ex-convict nang magwala at tangkain saksakin ang isang pulis sa lungsod ng Pasay, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Dinisio Brtolome , ang suspek na si Ken Angelo Sobrevega, 25, miyembro ng Sputnik Gang, residente sa Pag-Asa St., Brgy. 185, Maricaban ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO3 Ephraim Dancel, 39,  nakatalaga sa Villamor PCP, nakatayo siya sa harap ng Batangas Lomi House sa Brgy. 185, nang mapansin niyang nagwawala si Sobrevega habang nakikipagtalo sa kanyang misis na kinilalang si Jasmine.

Nakita ni Sobrevega na nakatingin sa kanya ang pulis na kanyang ikinagalit kaya inundayan ng saksk si PO3 Dancel ngunit nakailag.

Lingid sa kaalaman ng suspek, pulis ang tinangka niyang saksakin.

Hindi nakapalag ang suspek nang posasan siya ni Dancel at iba pang kasamang mga pulis.

Nakuha mula kay Sobrevega ang isang arnis stick at kutsilyo.

(JAJA GARCIA)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *