NAKADISKOBRE ang mga tropa ng gobyerno ng tinatayang P79 milyon cash at mga tseke sa isang bahay sa Marawi City makaraan makubkob ng mga awtoridad ang kuta ng Maute fighters nitong Lunes.
Unang natagpuan ng Philippine Marines ang P52.2 milyon cash sa isang bahay malapit sa machine gun nest ng mga terorista sa Mapandi area.
Sa nasabing halaga, P52 milyon ang nakabalot sa plastic bundles habang ang P200,000 ay nakalagay sa envelopes.
Pagkaraan, natagpuan ng mga tropa ang mga tseke na nagkakaha-laga ng P27 milyon sa nasabi ring bahay, kaya umaabot ang kabuuang halaga sa P79 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, ang may-ari ng bahay ay maaaring kabilang sa 200,000 residente na lumikas mula sa Marawi makaraan umatake ang mga bandidong Maute sa lungsod noong 23 Mayo.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang na-sabing cash at mga tseke upang mabatid kung ang nasabing halaga ay konektado sa operasyon ng mga terorista.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Maute terrotists ay pinopondohan ng foreign terror groups at illegal drug money.
HAPILON NASA MARAWI PA,
MAUTE TAKBO NANG TAKBO
NANINIWALA ang mili-tar, ang Maute fighters ay tumatakbo na makaraan matagpuan ng Philipine Marines ang P79 milyon cash at mga tseke sa isang bahay malapit sa Mapandi bridge, nagsisilbing kuta ng mga terorista.
“The Maute group, as we know, is well-funded. They have defense in position and they have a very capable group… The recovery of those millions in cash indicates that they’re running as government troops are pressing in,” pahayag ni Major Rowan Rimas ng Marines, nitong Martes.
Ayon kay Rimas, ang bahay na kinatagpuan sa milyon-milyong halaga ng cash at mga tseke ay mahigpit na binabantayan ng Maute group, aniya’y pinapuputukan ng mga te-rorista ang mga tropa ng gobyerno na pumapasok sa lugar.
“We neutralized and occupied that position and cleared the houses in the area and eventually we recovered those millions of cash and checks,” pahayag ni Rimas, idinagdag na mayroong
Maute snipers sa erya bago nila ito napasok.
Samantala, si Isnilon Hapilon, kilalang lider ng Islamic State sa Filipinas, ay sinasabing naroroon pa rin sa lungsod, dalawang linggo makaraan su-miklab ang sagupaan, base sa “very credible sources” ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesperson ng Army’s 1st ID.
Magugunitang nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdatang P10 milyon pabuya para sa nuetralisasyon kay Hapilon, bukod pa sa US$5 milyon (halos P247 milyon) pabuyang alok ng US government.
PAGKAMATAY
NG MAUTE LEADER
BINEBERIPIKA
BINEBERIPIKA ng mili-tar ang ulat hinggil sa pagkamatay ni Omar Maute, isa sa magkapa-tid na namumuno sa mga bandido na sumalakay sa Marawi City, makaraan pasa-bogan ng bomba.
“Iyun si Omar, mayroon tayong report na namatay na roon sa isang pag-strike natin, pero kailangan pa nating ma-validate ito,” ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Eduardo Año.
Sinabi ni Año, ang kapatid ni Omar na si Abdullah, ay kabilang sa mga bandidong nagkukuta sa Marawi, kasama ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Dagdag ng heneral, maaaring bihag pa rin ng mga bandido si Fr. Chito Suganob, ang parish priest na dinukot ng mga tero-rista, kasama ng ilan pang sibilyan sa St. Mary’s Cathedral.
“Mayroon tayong special tasking na ibinigay dito sa ating special elite units para kung magkaroon tayo ng ano mang indication ng presence ni Fr. Chito, we will make immediate rescue operation,” pahayag ni Año.
‘FOXHOLE’ NADISKOBRE
SA SAFE ZONE
MULING nabulabog ang isang safe zone sa Marawi City nitong Martes ng umaga nang iulat na may nakalusot na snipers sa lugar.
Nadiskobre ng militar ang mga foxhole o mga hukay sa lupa sa loob ng mga bahay na sinasabing taguan ng grupong Maute.
Higit isang linggo nang itinuring na ligtas ang isang kalsada sa Marawi nang biglang nagda-tingan ang mga armored personnel carrier at tangke.
Nang makakuha ng ulat na may mga sumi-singit na sniper sa lugar, agad isinara ng militar ang kalsada. Pumuwesto ang mga tropa at pinagbawalan ang sino man na lumapit.
Muling naging danger zone ang kalsadang nadaraanan na noon ng mga rescue unit at media para makarating sa Marawi.
Isa-isang nagtakbohan papasok ang mga tropa sa mga eskinita at muling nagsagawa ng clearing operation sa mga bahay-bahay sa area.
“Indication ang mga gunfire na may mga nakasisingit dito sa mga safe zone. We just have to clear the area again,” ayon kay Lieutenant Colonel Christopher Tampos ng 1st Infantry Division.
Pinasok ng mga militar ang isang eskuwela-han at umakyat para sa posisyon ang mga sundalo sa mataas na lugar upang mas makita ang paligid.
Walang inabot na snipers ngunit nadiskobre ang mga bagong hukay na foxhole sa ilang mga bahay.
Malalim ang hukay at marami ang maaaring magtago sa loob. Sa gani-tong paraan umano nakapagtatago ang mga miyembro ng Maute.