MAAARING ipagmalaki ng Singapore ang kanilang Harry-Potter-themed ngunit mas minamataan ngayon ng mga Potter fans ang sumisikat na “The Wizarding World of Harry Potter” sa Universal Studios Japan na matatagpuan sa Osaka.
Talagang mas pinataas ng Japan ang antas ng Potter experience sa ‘Expected Inn’ sa Fukuoka sa isla ng Kyushu. At alam n’yo ba ang ‘best par’ nito?
Maaaring mag-book ng stay sa pamamagitan ng online reservation sa online travel rental site na Airbnb.
Base sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry na hinango sa serye ng mga pelikulang Harry Potter. Layunin ng pa-mosong inn na i-replicate o gayahin ang nararamdaman na maging isang novice wizard-in-training.
Mula sa brick at marble-like walls sa mga chandelier at lumang mga painting, ang dekorasyon sa ‘Expected Inn’ ay tunay na magpapaalala sa walong installment ng serye na talaga namang bumighani sa buong mundo sa kasaysayan at mga adventure ng bidang si Harry Potter.
Taglay ang dalawang silid-tulugan, maluwag na living room, at magandang dining at kitchen area, ang tatlong-palapag na tahanan ay maaaring makapag-accommodate nang hanggang 16 na wizard-to-be, mangkukulam, at siyempre, maging mga muggle.
Kombinyente rin ang lokasyon ng ‘Expected Inn’ na matatagpuan maka-raan ang sampung-minutong paglalakad mula sa major railway station sa Fukuoka na Hakata JR station.
Resulta ang ‘Expected Inn’ sa ideya ng real estate company na Reqrea, Inc. na nagdesisyong “to kill two birds with one stone.”
Para sa Reqrea, ang layunin nila ay masolusyonan ang kakulangan ng accommodation para sa mga turista, at kasabay nito’y mapaunlad na rin ang market value ng mga bakanteng apartment at rental home. Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng pag-convert at paglilista sa Airbnb para sa mga naglalakbay.
ni Tracy Cabrera