NANINIWALA ang militar, ang Maute fighters ay tumatakbo na makaraan matagpuan ng Philipine Marines ang P79 milyon cash at mga tseke sa isang bahay malapit sa Mapandi bridge, nagsisilbing kuta ng mga terorista.
“The Maute group, as we know, is well-funded. They have defense in position and they have a very capable group… The recovery of those millions in cash indicates that they’re running as government troops are pressing in,” pahayag ni Major Rowan Rimas ng Marines, nitong Martes.
Ayon kay Rimas, ang bahay na kinatagpuan sa milyon-milyong halaga ng cash at mga tseke ay mahigpit na binabantayan ng Maute group, aniya’y pinapuputukan ng mga terorista ang mga tropa ng gobyerno na pumapasok sa lugar.
“We neutralized and occupied that position and cleared the houses in the area and eventually we recovered those millions of cash and checks,” pahayag ni Rimas, idinagdag na mayroong Maute snipers sa erya bago nila ito napasok.
Samantala, si Isnilon Hapilon, kilalang lider ng Islamic State sa Filipinas, ay sinasabing naroroon pa rin sa lungsod, dalawang linggo makaraan sumiklab ang sagupaan, base sa “very credible sources” ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesperson ng Army’s 1st ID.
Magugunitang nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdatang P10 milyon pabuya para sa nuetralisasyon kay Hapilon, bukod pa sa US$5 milyon (halos P247 milyon) pabuyang alok ng US government.
PAGKAMATAY
NG MAUTE LEADER
BINEBERIPIKA
BINEBERIPIKA ng mili-tar ang ulat hinggil sa pagkamatay ni Omar Maute, isa sa magkapa-tid na namumuno sa mga bandido na sumalakay sa Marawi City, makaraan pasa-bogan ng bomba.
“Iyun si Omar, mayroon tayong report na namatay na roon sa isang pag-strike natin, pero kailangan pa nating ma-validate ito,” ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Eduardo Año.
Sinabi ni Año, ang kapatid ni Omar na si Abdullah, ay kabilang sa mga bandidong nagkukuta sa Marawi, kasama ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Dagdag ng heneral, maaaring bihag pa rin ng mga bandido si Fr. Chito Suganob, ang parish priest na dinukot ng mga tero-rista, kasama ng ilan pang sibilyan sa St. Mary’s Cathedral.
“Mayroon tayong special tasking na ibinigay dito sa ating special elite units para kung magkaroon tayo ng ano mang indication ng presence ni Fr. Chito, we will make immediate rescue operation,” pahayag ni Año.