PINIGIL ng Department of Labor and Employment (DoLE) nitong Martes ang pagpapadala ng Filipino workers sa Qatar makaraan putulin ng pitong bansa ang pakikipag-ugnayan at isinara ang kanilang borders sa kingdom.
Ito ay isang araw makaraan putulin ng i-lang Arab nations, kabilang ang Saudi Arabia at Egypt, ang kanilang ugnayan sa Qatar nitong Lunes, at inakusahang sumusuporta sa extre-mism.
Itinanggi ng Doha ang akusasyon at sinabing
plano ng Gulf neighbors na isailalim ang bansa sa “guardianship.”
Pansamantala ang suspensiyon ngunit ito ay nasa “indefinite period of time” ayon sa DoLE.
Nauna rito, pinayo-han ng Philippine Embassy ang overseas Filipino workers sa Qatar na manatiling kalmado at “exercise prudence as we all closely monitor the situation.”
HATAW News Team
AYUDA SA OFWs
SA QATAR IKINASA
TINIYAK ng Malacañang, nakahanda ang pamahalaan na ayuda-han ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar sakaling maapektohan sila ng tensiyon sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, posibleng magkaroon ng epekto sa OFWs ang pagputol ng diplomatikong ugnayan ng Saudi Arabia, UAE, Egypt, Bahrain sa Qatar kaya tinututukan ng kaukulang mga ahensiya ng pamahalaan ang sitwasyon at ikinasa na ang kinakai-langang pagsaklolo sa mga migranteng Filipino.
“The decision of Saudi Arabia, UAE, Egypt, and Bahrain to cut diplomatic ties with Qatar may have some ripple effects on our overseas Filipino workers,” ani Abella.
”Concerned government agencies are now looking at the matter and would extend assistance and other support to OFWs who may be affected by such action,” dagdag niya.
Nauna rito’y pansamantalang ipinatigil ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagde-deploy ng OFWs at pagbibiyahe sa Qatar simula kahapon.
(ROSE NOVENARIO)