Saturday , November 16 2024

Ayuda sa OFWs sa Qatar ikinasa

TINIYAK ng Malacañang, nakahanda ang pamahalaan na ayudahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar sakaling maapektohan sila ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, posibleng magkaroon ng epekto sa OFWs ang pagputol ng diplomatikong ugnayan ng Saudi Arabia, UAE, Egypt, Bahrain sa Qatar kaya tinututukan ng kaukulang mga ahensiya ng pamahalaan ang sitwasyon at ikinasa na ang kinakai-langang pagsaklolo sa mga migranteng Filipino.

“The decision of Saudi Arabia, UAE, Egypt, and Bahrain to cut diplomatic ties with Qatar may have some ripple effects on our overseas Filipino workers,” ani Abella.

”Concerned government agencies are now looking at the matter and would extend assistance and other support to OFWs who may be affected by such action,” dagdag niya.

Nauna rito’y pansamantalang ipinatigil ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagde-deploy ng OFWs at pagbibiyahe sa Qatar  simula kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *