Saturday , November 16 2024

Gunman sa casino ex-finance employee na lulong sa sugal

IPINAKIKITA ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang retrato ng suspek na kinilalang si Jessie Carlos, responsable sa pag-atake sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 37 katao. (BONG SON)
IPINAKIKITA ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang retrato ng suspek na kinilalang si Jessie Carlos, responsable sa pag-atake sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 37 katao. (BONG SON)

TUKOY na ang pagkakakilanlan ng lalaking umatake sa Resorts World Manila (RWM) nitong Bi-yernes.

Kinilala ang suspek na si Jessie Javier Carlos, 42 anyos, residente ng Sta. Cruz, Maynila.

Positibo siyang kinilala ng kanyang mismong pamilya.

Dating kawani ng gobyerno si Carlos na nakadestino sa One Stop Shop ng Department of Finance (DoF).

Sinibak siya sa puwesto dahil sa sinasa-bing maling deklaras-yon at hindi pagsisiwalat ng ilang detalye sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Albayalde, base sa sinabi ng pamilya ng gunman, lulong sa sugal si Carlos.

Baon din anila sa utang na P4 milyon sa banko at may iba pang pinagkakautangan sa labas ng banko.

Dahil sa bisyo at sa pagkakautang, nagkaroon ng lamat ang relas-yon ng gunman sa kanyang mga magulang at misis.

Napilitan din ang gunman na ibenta ang kanyang mamahaling SUV at iba pang mga ari-arian dahil sa mga utang.

Magugunitang nitong Biyernes, 2 Hunyo, pinasok ni Carlo ang RWM habang armado ng M-14 assault rifle.

Sa CCTV na inilabas ng NCRPO at ng hotel-casino, nakitang pinaputukan ni Carlos ang kisame ng hotel-casino at saka sinunog ang mga mesa at slot machines.

Umabot sa 37 katao ang namatay bunsod nang matinding usok dulot ng sunog.

Kalauna’y nagsunog at nagbaril sa sarili ang gunman. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *