MAYROONG 1,200 Islamic State (IS) group operatives sa Filipinas, kabilang ang mga dayuhan, at 40 sa kanila ay mula sa Indonesia, pahayag ng Indonesian defense minister sa international security forum nitong Linggo.
Sa kanyang pagsasalita sa Singapore, habang patuloy ang sagupaan ng Philippine troops at mga teroristang alyado ng ISIS sa Marawi City, tinawag ni Defense Minister Ryamizard Ryacudu ang mga militante bilang “”killing machines” at naghikayat ng full-scale regional cooperation laban sa mga bandido.
“I was advised last night, 1,200 ISIS in the Philippines, around 40 from Indonesia,” pahayag ni Ryacudu sa Shangri-La Dialogue.
Ang banta ng heightened terrorism, kabilang ang nalalapit na pagbabalik ng daan-daan Southeast Asian fighters na lumaban kasama ng IS sa Syria and Iraq, ang naging paksa sa tatlong araw na Singapore summit na dinaluhan ni US US Defense Secretary Jim Mattis.
Samantala, sinabi ni Philippine Defense Undersecretary Ricardo David, nagsalita rin sa nasabing forum, ang 1,200 bilang ng IS fighters sa Filipinas na binanggit ng Indonesia, ay bago lamang sa kanya. “I really don’t know, my figure is about 250-400, a lot less,” pahayag niya sa mga reporter.