Saturday , November 16 2024
knife saksak

Sumbungerong lolo kritikal sa saksak

KRITIKAL ang kalagyan sa pagamutan ng isang 69-anyos lolo nang saksakin ng isang sidecar boy na kanyang inginuso sa kanilang barangay bunsod nang panggugulo sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Philippine General Hospital ang biktimang si Ramon dela Pasion, residente sa F. Muñoz St., Singalong.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang arestadong suspek na si Dexter Hayag, 25, pedicab driver, at residente sa San Isidro St., Singalong.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Police Station 9, naganap ang insidente dakong 12:00 am. sa Muñoz Ext., San Isidro St.

Sinasabing isinumbong ng biktima ang suspek sa barangay dahil sa panggugulo sa kanilang lugar.

Ngunit hindi natagpuan ang suspek dahil mabilis na nakapagtago kaya umalis ang barangay officials.

Nang mabatid ng suspek na umalis na ang barangay officials ay pinuntahan niya ang biktima at inundayan ng saksak.

Pagkaraan ng insidente ay mabilis na nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Arellano Police Community Precinct sa lugar. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *