Saturday , November 16 2024

Misis ng solon 3 dayuhan, 34 pa patay sa casino tragedy (78 sugatan)

060317_FRONT

PATAY ang misis ng isang mambabatas, tatlong dayuhan, 11 empleyado at 23 iba pa, sa amok ng isang talunang casino player sa Resorts World Manila sa Pasay City nitong Biyernes bago maghating-gabi.

Kinilala ang mga biktimang namatay na si Elizabeth Panlilio Gonzales, asawa ni Pampanga representative Aurelio Gonzales Jr., ang tatlong dayuhan na sina P Ling Hung Lee, Lai Wei Chung, at Lai Yu Cheeh na casino players.

Hotel guests na kinilalang sina Caccam Katherine Cervantes, Pacita Guillermo Comquilla, Pomenciano Vargas Jr., Susan Abulencia, Jaime Gubay Jr.,  Ariel Abrogar, Jaime Gabay Jr., Cliff Reyneira, Rolando Peña Sison, Eleuterio Reyes, Antonina Yuzon Allanigue, Sheila Malicse, Mielle Oliveros, Pamela Silvestre at apat pang hindi nakikilala.

Patay din ang mga empleyado ng Resorts World na kinilalang sina Hazel Yangco, Jelliah Ramos, Melvin Herrera, Arvi Gavino, BJ Pagsibigan, Rojie S. Uy, Jessica Alindogan, Merylle Gwen Ala, Lea Grace Mozo, Loudette Santos, Kay Nuguerra, at dalawang hindi pa natutukoy ang pangalan.

Isa sa mga biktimang namatay na si Reyneira ay sinasabing staff ni Navotas Rep. Ricky Sandoval.

Sa ulat, sinabing walang habas na nagpaputok ang suspek na nakasuot ng bonnet saka sinunog ang tatlong mesa sa ikalawang palapag at mga carpet na lumikha ng matinding usok sa loob ng Casino.

Sinasabing naburyong ang suspek kaya tinangkang nakawin ang P130-M chips, nagpaputok ng armalite,  saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsusunog at pagbaril sa sarili makaraan matalo sa sugal sa casino.

Ayon kay Southern Police District director, Chief Supt. Tomas Apolinario, dakong 12:00 am nang magsimula ang pamamaril ng suspek.

Makaraan ang pamamaril, binalot niya ang kanyang buong katawan ng kumot, binuhusan ng dalang gasolina, saka sinilaban at nagbaril sa sarili.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, kabilang sa 38 patay ang gunman na hindi pa nakikilala. Habang 78 sugatan ang isinugod sa mga pagamutan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, karamihan sa mga biktima ay binawian ng buhay dahil sa suffocation sa ikalawang palapag ng gaming area, na sinunog ng suspek.

Sinabi ni Albayalde, kabilang sa mga namatay ay nasa gaming area.

“What caused their deaths is the thick smoke,” pahayag niya sa mga reporter. “The room was carpeted and of course the tables, highly combustible.”

Binigyang-diin ni Abella, walang direktang kaugnayan ang shooting incident sa nagaganap na sagupaan ng mga tropa ng pamahalaan at Maute rebels sa Marawi City.

Itinanggi ng mga opisyal ng pulisya na terorismo ang motibo sa insidente, anila ang lalaki ay mag-isa lamang, ngunit ayon sa mga nakakita, may nakita rin silang armadong kalalakihan sa loob ng entertainment complex.

“All indications point to a criminal act by an apparently emotionally disturbed individual,” pahayag ni Abella.

“Although the perpetrator gave warning shots, there apparently was no indication that he wanted to do harm or shoot anyone.”

Dakong madaling-araw, natagpuan ang bangkay ng suspek sa hotel room nang umuusok pang Casino complex, na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Air Force base, ayon sa pulisya.

“He burned himself inside the hotel room 510,” ayon kay PNP chief Ronald dela Rosa sa media conference. “He lay down on the bed, covered himself in a thick blanket and apparently doused himself in gasoline.”

Inihayag ng may-ari ng resort, ang Travellers International Hotel Group Inc., joint venture ng Philippines’ Alliance Global Group Inc. and Genting Hong Kong Ltd, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

“We have been informed of several casualties, the number and identities of whom have yet to be determined,” anila. (JAJA GARCIA)

KAPATID NG MISIS
NG SOLON
HINAHANAP PA

KUNG nakita na ang bangkay ng kabiyak ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., na si Elizabeth Panlilio Gonzales, hindi pa nakokompirma kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid na si Consolacion P. Mijares, sa naganap na trahedya sa Resorts Worls Casino nitong Biyernes baho maghating-gabi.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, kinompirma ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, sa pamamagitan ng text message, na kasama si Elizabeth sa mga namatay.

“Text of PNP chief Dela Rosa to me, I asked for his help this noon to locate Mrs. Gonzales: Sir, positive, wife of Rep. Dong Gonzales of Pampanga is Elizabeth Panlilio Gonzales – died in the incident,” ani Fariñas.

“We are still looking for her sister, Consolacion P. Mijares. No report yet,” saad ni dela Rosa.

REBOOKING, REFUND
ALOK NG CEBU PACIFIC AIR

NAGPAHAYAG ng kalungkutan ang Cebu Pacific Air sa trahedyang naganap sa Resorts World Manila kahapon,

Bunsod ng insidente, nag-abiso sila sa mga pasahero patungo at mula sa Manila ngayon, na may mga opsiyon na available para sa kanila: mag-rebook nang libre sa loob ng 30 araw; kunin ang full refund; ilagay ang full cost ng ticket sa travel fund para sa future use.

Ang apektadong mga pasahero ay inabisohan na tumawag sa hotline, 702-0888 para sa arrangements. Maaari rin magbigay ng mensahe sa official Cebu Pacific Facebook (https://www.facebook.com/ cebupacificair) or Twitter (@CebuPacificAir) accounts.

Sa mga pasahero na bibiyahe ngayon, pinaglalaan sila ng karagdagang oras para sa check-in and processing sa airport bunsod nang pinaigting na seguridad.

Ipinaaalam din na ang ilang Cebu Pacific flights ay delayed o cancelled bilang resulta ng nangyari kahapon. Ang mga apektadong pasahero ng cancelled flights na nagnanais na ituloy ang kanilang journey ay ire-rebook para sa unang available flights.

SEGURIDAD SA NAIA,
MAS HINIGPITAN PA

MAS pinahigpit pa ang seguridad sa buong compound ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod nang pag-atake sa kalapit na Resorts World Manila at dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi.

Bago magtanghali kahapon, ipinatupad ang security level 3 sa buong paliparan. Ibig sabihin, lalo pang hinigpitan ang pagpasok sa NAIA.

Pinaigting ang inspeksiyon sa mga pumapasok na sasakyan. Masinsin din ang screening sa mga pasaherong may flights.

Kailangang tanggalin maging ang sinturon at sapatos kapag dumaraan sa metal detector, bagama’t dati’y puwedeng nang hindi alisin sa katawan.

NO TERROR THREAT
SA METRO MANILA

BINIGYANG-DIIN ni NCRPO director, Oscar Albayalde, walang banta ng terorismo sa Metro Manila, at tiniyak na mahigpit ang pagmamatiyag ng mga awtoridad.

Nauna rito, inilinaw ng Malacañang, ang insidente sa Resorts World Manila ay hindi terorismo at walang kaugnayan sa krisis sa Marawi.

“Maganda ang prevailing peace and order dito sa Metro Manila. We have not monitored any threat [of] terrorism dito sa Metro Manila and while wala naman tayong namo-monitor na threat, hindi tayo puwedeng mag-relax,” ayon kay Albayalde.

“Our intelligence community is on constant monitoring of the possible na mga threat groups who could be possibly here in Metro Manila although wala tayong namo-monitor na ganoon,” pagtitiyak ng opisyal.

Aniya, ang pahayag ng mga survivor na ISIS ang may pakana sa insidente ay lalong nagdulot ng pangamba sa publiko na ang Metro Manila ay inaatake na ng mga terorista.

“Noong nag-panic sila, they were somewhat shouting, ‘ISIS! ISIS! ISIS!’. They always assume na it’s ISIS. Pinapakiusapan natin ang mga kababayan na huwag silang maalarma, at huwag i-relate ito to terror groups,” aniya.

Dagdag ni Albayalde, wala pang rekomendasyon ang pulisya para isailalim sa martial law ang iba pang bahagi ng bansa bunsod ng nasabing pag-atake.

Ito ay sa gitna ng pangambang posibleng magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na palawakin ang sakop ng idineklara niyang martial law sa Mindanao.

“We did not recommend anything on that issue especially to the president. It’s only the president who can decide on that,” aniya.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *