Wednesday , December 25 2024

Kuwento ni Lolo tungkol sa Mindanao

HALOS mag-iisang dekada na ang kaguluhan sa Mindanao papalit-palit lang ng nga bida at karakter.

Kung sa bagay, totoo na may Abu Sayaff, minsa’y may MILF at MNLF at ngayon naman ay Maute ang nasa limelight at isyu sa bansa.

Ganoon din noong panahon nila, natapat na isang alyas Kamlon at ang kanyang mga tauhang bandido ang namayagpag.

Ang lakad ng grupo ni Kamlon ay walang ipinagkaiba sa ASG at Maute, terorista rin. Dalubhasa rin sa kidnap for ransom, highway robbery at robbery in band. Puwede rin gun for hire o kaya’y naiimporta rin bilang mga private army ng mga politiko?!

Matikas man si Kamlon, hindi ito pinatagal ng administrasyon noon ni Pangulong Elpidio Quirino at ang Defense Secretary ay si Ramon Magsaysay.

Binigyan umano ni Quirino si Magsaysay ng kapangyarihan sa nasabing kaguluhang kagagawan ni Kamlon.

Bilang kalihim ng depensa, binigyan si Magsaysay ng freehand at sariling desisyon upang dakpin at pasukuin si Kamlon upang matigil na ang kaguluhan sa isang bayan ng Mindanao.

Hindi nakuha sa diplomasya kung kaya’t opensiba rin ng militar ang unang naging hakbang ngunit naisip umano ni Magsaysay na tatagal lang at maraming buhay ang mawawala.

Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Magsaysay, Pinakordonan ang perimeter sa militar at siniguradong nailikas ang lahat ng sibilyan na malapit sa pinagkukutaan ni Kamlon at kanyang grupo.

Sinabi ni Lolo na isang bomba ang ibinagsak mula sa isang eroplano na kung tawagin niya ay Napal o Natal bomb na nagpaliyab na parang impiyerno sa buong lugar.

Maya-maya nag-uunahan na sa pagbaba ng bundok upang sumuko sa pamahalaan si Kamlon at grupo nito. Wala nang nakita pang ibang pangitain na iwinagayway ng mga bandido ang kung ano-anong bandera ng rebeldeng grupo.

Sa kasalukuyan ay ganitong sitwasyon rin ang ang nakita ni Lolo na bida at sikat ang Maute.

Si Kalihim Lorenzana naman ang punong timonel pang depensa ng itinalagang admin sa Lanao partikular sa Marawi.

Isang desisyon lang ang kailangan ng nasabing bayan.

Dalawa lang aniya ang puwedeng mangyari, umani ng papuri o kasuklaman at batikusin ng mamamayan!

Hindi aniya mahalaga ang dalawa, ang importante sabi ni Lolo ay may maganap na hakbang o aksiyon magtagumpay man o hindi.

Mas mabuti ang taong umalis kaysa manatili lang na parang imahen, walang galaw, walang aksiyon, walang lahat. Sa madali’t sabi ni Lolo, ‘wag sanang maging walang silbi, nasa gobyerno aniya ang lahat ng makinarya at kasangkapan na makalulutas ng kaguluhan sa Mindanao.

Muli na namang nasasaktan ang matitino nating kababayang Muslim sa sariling lupa at inang bayan!

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *