Monday , December 23 2024

8 dayuhang Jihadists patay sa military (ISIS umatake sa Marawi)

060217_FRONT

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod nang pag-atake sa Marawi City.

“Alam mo iyong rebellion ngayon sa Minda-nao, it’s not Maute, it’s purely ISIS with different brands kasi sila ang nag-umpisa. Actually, iyang Maute brothers went to Libya and another one,” aniya sa talumpati sa mass oath taking sa Palasyo kahapon.

Matagal na aniyang plano ng ISIS ang pag-atake sa Marawi City lalo na’t idineklarang emir ng terror group si Isnilon Hapilon, Abu Sayyaf Group (ASG) leader.

“Itong Marawi na ito, has long been planned. It could not just be a decision na, ‘Let’s go to Mindanao.’ Plano na ito lahat and it’s a long time, so ako naman as student of you know what history. Noong si Hapilon na pinadala sa Central Min-danao and he was annointed as the emir, doon na ako nakaamoy na something terribly wrong is going to happen kasi dala-dala niya iyong ISIS e,” paliwanag ni Duterte.

Sa kanyang press briefing sa Palasyo, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walong dayuhang terorista at 25 lokal na terorista ang napatay ng militar sa sampung araw na pa-kikipagbakbakan sa Marawi City.

“There are. There were eight foreign fighters that were killed. Nationalities — one — two Saudis, se-veral Malaysians and Indonesians, one Yemeni, one from Chechnya,” ani Lorenzana.

Wala aniyang rekord sa Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok ng nasabing foreign jihadists kaya’t sa backdoor sila dumaan mula sa Malaysia o Sabah.

“We do not know because we don’t have any record of them coming through the proper channel, through the airports.There’s only one way, through the backdoor, maybe coming from Indonesia or from Malaysia, from Sabah,” ani Lorenzana.

Nang masugatan aniya si Hapilon sa surgical airstrike noong Enero ay pinadalhan ng milyon-milyong dolyar na pondo mula sa Middle East kaya nakapagbayad ng mga supporter at nakabili ng mga armas.

Habang ang iba pang pondo mula sa ibang bansa para sa ASG at Maute ay ipinadaan kay police Supt. Cristina Nobleza na nadakip sa Bohol, kasama ang nobyong ASG bomb maker at sa mag-asawang Morrocan at Syrian na nadakip kamakailan sa NAIA.

ni ROSE NOVENARIO

CQB KASADO
VS MAUTE/ISIS

NAKAKASA na ang puwersa ng militar para sa “close quarter battle” na tatapos sa pagkubkob ng mga terorista sa Marawi City hanggang sa Linggo.

Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza, dumating na sa Marawi City ang 21 armored vehicles ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na ga-gamitin laban sa Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) terrorists na nananatili sa isang erya ng siyudad.

Hindi na aniya kaila-ngan ng air strikes sa lugar dahil maliit na lugar na lang ang pinagkukutaan ng mga terorista kasama ang kanilang leader na si Isnilon Hapilon.

“So we are pouring more troops there that’s why I said a while ago baka we might suspend for a while the air strikes and let the ground troops do their thing,” sabi ni Lorenzana.

Inamin ni Lorenzana, nagkaroon ng aksidente nang tamaan ng air strike ang mismong tropa ng pamahalaan na ikinamatay ng 11 sundalo at ikinasugat ng pitong kawal.

“Well, sa tingin ko naman because there’s only a small pocket there, one strong pocket of resistance, and if we can converge our troops there, the more we do not need the air strikes if there are troops surrounding the area already, then the more we do not need the strikes,” aniya.

“Maybe we will need the armored vehicles. We have just delivered 21 armored vehicles to Marawi. They were there… They arrived there yesterday and they will be there, all of them today and they will be used — all of them will be used against the Mautes and the ISIS,” dagdag ni Lorenzana.

Kinompirma aniya sa kanya ni First Infantry Division chief B/Gen. Rolando Bautista, na nahihirapan pasukin ng militar ang eksaktong lugar na kinaroroonan ni Hapilon dahil napaliligiran ito ng mga kongkretong gusali.

AFP NABULAG
SA PAGPASLANG
NG MAUTE
SA INTEL OFFICER

AMINADO si Lorenzana na ‘nabulag’ ang AFP sa galaw ng Maute sa Marawi nang paslangin ng mga terorista si Major Jerico Mangalus, ang intelligence officer na may malalim na kontak sa teroristang grupo.

Inilaglag aniya ng mismong asset si Mangalus kaya tinambangan ng Maute members noong nakaraang Pebrero.

Mula noon aniya ay nahirapan na ang militar na makakuha muli ng assets sa Maute hanggang nagsagawa ng diversionary operations ang teroristang grupo sa iba’t ibang panig ng Mindanao hanggang Bohol upang mailihis ang atensyon ng militar palayo sa Marawi City na ginawa nang kuta ng mga terorista.

“So that’s what happened. They were able to infiltrate their arms, their equipment in Marawi and then when time comes they would actually… There was actually a plan to take over Marawi. Nakita natin ‘yung ano. We were able to capture a video when the Maute brothers were actually and Hapilon Isnilon were trying… There was a map there in front of them, their diagrams, what to do, kung ano ang gagawin nila. It’s a big plan to take over Marawi City,” ani Lorenzana.

(ROSE NOVENARIO)

Air strikes lilimitahan
11 SUNDALO PATAY,
7 SUGATAN
SA “FRIENDLY FIRE”

MAAARING limitahan muna ng militar ang isinasagawang air strikes sa Marawi City nang mamatay ang 11 sundalo at pito ang sugatan makaraan ang “friendly fire” ayon sa ulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kahapon.

Nangyari ang insidente nang magkamali ang fighter plane sa pagbagsak ng bomba sa kinaroroonan ng mga sundalo mula sa 4th at 15th Infantry Battalions

Sinabi ni Lorenzana, bunsod nito, lilimitahan muna ng militar ang air strikes sa aircraft na maaaring makapag-deliver ng precision-guided munitions.

Inilunsad ng militar ang air strikes nitong nakaraang linggo sa tinaguarian nilang “surgical” operations.

“…[S]iguro we have to limit the air strikes to the aircraft that can deliver accurately their ordnance,” pahayag ni Lorenzana sa press briefing sa Malacañang.

“The commanders are reviewing their SOPs (standard operating procedure), nire-review nila ’yung mga procedures para maiwasan natin ‘yan because it’s very, very… masakit e. It’s very sad to be hitting our own troops,” ayon kay Lorenzana.

Ayon sa defense chief, ang unang bomba ay wastong tumama sa puntirya, habang ang pangalawang bomba, sa kasamaang-palad ay bumagsak sa mga tropa.

“We are still investigating, conducting an investigation headed by the Chief of Staff what really happened, kung nagkaroon ba ng miscommunication or there was an error of somebody there on the ground or on the air, sa parte ng piloto,” aniya pa.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *