Saturday , November 16 2024

PRRC at San Juan City PDP-Laban, umayuda sa mga biktima ng Marawi siege

Patuloy ang pagtulong ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Pepeton” Goitia sa mga sinalanta ng kaguluhan sa Marawi City na nasa Iligan City sa tulong ng kanyang mga kasama sa pinamumunuang PDP Laban San Juan City Council.

Personal na nagsadya si Goitia sa Iligan City at namahagi ng pagkain, tubig, gatas para sa mga sanggol, gamot at ayudang medical sa mga nag-evacuate na mamamayan mula sa Marawi City na kinubkob ng Maute Group kamakailan.

“Labis naming ikina-lungkot na marami sa ating mga kababayan at mga kapatid ang nagdaranas ngayon ng ibayong hirap ng kalooban, nasugatan, nakaranas ng matinding gutom, nalagasan ng kamag-anak, at nagdadalamhati sanhi ng kahindik-hindik na kaguluhang inihasik ng mga kalahi nating may maiitim na budhi at naliligaw ng landas,” sabi ni Goitia na National Membership Committee vice chairman din ng PDP Laban for OFW Affairs.

“Muslim man o Kristiyano, pareho tayong may dugong-Filipino. Sino pa ba ang magda-damayan, kundi tayo-tayo? Kaligayahan naming pagling-kuran kayo,” dagdag ni Goitia.

“Mula sa puso namin na inyong mga kapatid sa Lungsod ng  San Juan sa Kalakhang-Maynila, nais naming maibsan ang inyong pagdurusa sa pa-mamagitan ng pagkakaloob namin ng mga serbisyo tulad ng mga pagpapakain at pag-kalinga sa mga may karamdaman, nasugatan at nasaktan. Pagsaluhan po natin ang biya-yang  dulot  ng  Panginoong Diyos o ni Allah.”

Bukod sa mga opisyal ng PDP Laban San Juan City Council, kasama rin ni Gotia na nagboluntaryo ang opisyales at staff ng PRRC na nagtutulong-tulong upang mag-lingkod sa mga residente ng Marawi City.

“Sa ngayon po, tuluy-tuloy po ang aming pagbabahay-bahay upang maghatid ng tulong. Sa isang bahay na sinadya namin, may 20 pamilya ang ilang araw ng nagtitiis ng gutom dahil walang wala na sila—walang pera, walang pagkain, at wala nang iba pang matakbuhan. Sarili lamang nila ang kanilang nailigtas noong inatake na ang Marawi,” diin ni Goitia.

“Ang mga pamilyang ito ay mga ‘unaccounted’ dahil ‘yung mga nakapunta lamang sa mga evacuation center ang nabibilang sa mga balita.”

Humiling din si Goitia ng tulong sa mga kababayan sa Metro Manila na may mabu-ting puso para magkawanggawa at tulungan ang mga nagbakwet sa Iligan City at mga karatig na lugar ng Marawi.

“Ako man po ay hindi Muslim, pero isa po akong Kristiyanong may pagmamahal sa ating mga kapwang Muslim man at mga Kristi-yanong biktima ng krisis na ito,” dagdag ni Goitia.

“Kung gusto po ninyong mag-ambag pa ng tulong para mas maparami pa natin ang ating matutulu-ngan, kontakin lang po ninyo kami. Kita po ninyo direkta naming inihahatid at sinisiguro naming makakarating sa mga pamilya ang anumang tulong.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *