BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak ni talunang US presidential bet Hillary Clinton na si Chelsea, sa pagbatikos sa kanyang mapang-uyam na pahayag hinggil sa rape.
Sa kanyang talumpati sa ika-119 anibersasryo ng Philippine Navy sa Sasa Wharf sa Davao City, inilabas ni Pangulong Duterte ang ngitngit kay Chelsea na tinawag siyang “murderous thug” sa isang Tweet noong Sabado dahil sa pagbibiro hinggil sa rape nang humarap sa mga sundalo sa Jolo, Sulu.
Anang Pangulo, ang kanyang punto ay sagot niya ang lahat ng ginagawa ng sundalo sa ilalim ng batas militar na idineklara niya sa Mindanao.
Giit ng Pangulo, mahilig lang siyang mang-uyam sa kanyang pana-nalita at hindi niya hinihimok ang mga kawal na manggahasa gaya ng gustong palabasin ni Chelsea.
Wala aniyang kara-patan si Chelsea na bumatikos sa usapin ng rape gayong nakatira siya sa isang “glass house.”
“Where were you when your father was fucking Lewinsky” ani Pangulong Duterte.
Tahimik din aniya si Chelsea sa mga kaso ng rape na kinasangkutan ng US troops sa iba’t ibang bansa, maging sa base militar ng mga Amerikano sa Okinawa.
Inihalimbawa ng Pa-ngulo sa atraso ng mga Amerikano, na walang kibo si Chelsea nang paslangin ni Private First Class Joseph Scott Pemberton si Filipina transgender Jennifer Laude na sana’y ‘sinipa’ na lang kaysa pinaslang nang mabuko na lalaki ang biktima.
Matatandaan, nasangkot sa sex scandal ang ama ni Chelsea na si two-term US President Bill Clinton sa 22-anyos White House intern na si Monica Lewinsky, na nakipag-oral sex sa kanya sa loob mismo ng Oval Office.
Sumabit din sa rape case si Bill habang nangangampanya sa pagka-gobernador sa Arkansas noong 1978.
ni ROSE NOVENARIO