GUSTONG isoga sa giyera si Pangulong Rodrigo Duterte gayong sina dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III at Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pumayag na dumami ang mga ipinatayong estruktura ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, panay ang daldal ni Carpio laban sa kanyang hindi paggigiit sa arbitral tribunal ruling na pabor sa Filipinas samantala hindi pinigilan ng administrasyong Aquino ang pagtatayo ng mga estruktura ng mga Chinese na umabot sa pag-iimbak sa WPS ng missile.
Lagi naman aniyang nasa paligid lang ang US Seventh Fleet pero hindi nagpasaklolo ang Aquino administration sa mga Amerikano para napigilan ang militarisasyon ng China sa WPS.
“Nandiyan ‘yang Seventh Fleet, nandiyan ‘yung ating Navy. Bakit hindi sinabi ni Carpio, pati ni Noynoy, ‘Sige puntahan ninyo, pigilan ninyo.’ Then they allowed the construction to bloom. Now it is a gun — it’s almost a gunnery thing there, may missile na. Gusto nila ako magpunta kalkalin ko ‘yung ano,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa 119 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sasa Wharf sa Davao City.
Ipinagmalaki ng Pangulo na mas matindi pa sa paggiit ng arbitral ruling ang ginawa niya nang makaharap si Chinese President Xi Jinping, idineklara niyang huhukay ng langis ang Filipinas sa WPS ngunit sinabihan siyang huwag ituloy upang hindi magkagulo.
“I went more than that. Sabi ko, huwag na ‘yang arbitral… Sabi ko, ‘Mr. Xi Jinping…’ ‘I will dig oil there’. Sabi niya, ‘No, no, no, do not do that.’ ‘No,’ sabi ko, ‘It’s ours’. Wala nang padaloy-daloy arbitral, arbitral. Diretso. Kung magawa nila ‘yan, bilib na ako,” anang Pangulo.
“Wala na ‘yang arbitral ruling. ‘That is ours. I will dig oil there.’ And not in so many words, not really war but ‘yung diplomatic. And President Xi Jinping is very good at that. Ganon na, ‘Huwag kasi kaibigan na tayo ngayon’. In the raw translation, e bakit lugawin mo pa? ‘Pag pumasok ka riyan magkakagiyera pa tayo. There will be trouble. If you are an idiotic naïve, anong sabihin trouble? E ‘di trouble de giyera. Then, ako ang — ang problema nito, when it was being constructed seven years ago, the newspapers in the Philippines, Time Magazine, Newsweek were awash with pictures that there was something abrewing there, that there were constructions being made,” giit ng Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)