MARAWI CITY – May kasamang foreign jihadists ang Islamic State sympathizers sa pakikibakbakan sa mga tropa ng gobyerno sa Mindanao, patunay na ang rehiyon ay nagiging isa nang Asian hub para sa ultra-radical group.
Ayon sa intelligence source, sa 400-500 terorista na sumalakay sa Marawi City, kabilang dito ang 40 mandirigma mula sa ibayong dagat, kabilang ang mula sa Middle East.
Nabatid sa source, kabilang sa kanila ang Indonesians, Malaysians, at isang Pakistani, Saudi, Chechen, Yemeni, Indian, Moroccan at isang may Turkis passport.
“IS is shrinking in Iraq and Syria, and decentralising in parts of Asia and the Middle East,” pahayag ni Rohan Gunaratna, security expert ng Singapore’s S. Rajaratnam School of International Studies.
“One of the areas where it is expanding is Southeast Asia and the Philippines is the centre of gravity.”
Hindi pa kinokompirma ng militar ang ulat na 40 foreign jihadists ang kasama ng Maute group sa pakikisagupa sa mga tropa ng gobyerno sa Marawi City.