Saturday , November 16 2024

89 Maute members patay sa sagupaan sa marawi (8 sumuko, kumanta) — AFP

UMABOT sa 89 Islamist militants ang napatay ng mga tropa ng gobyerno sa nagpapatuloy na sagupaan sa Marawi City, ngunit nagmamatigas pa rin ang mga terorista at may hawak pang mga bihag, ayon sa militar kahapon.

Ayon sa ulat, nagpasabog ang attack helicopters ng rockets nitong Miyerkoles ng umaga sa ilang mga lugar ng Marawi City na pinagtatagupan ng mga terorista kasama ng na-trap na mga residente.

Sumiklab ang sagupaan nitong Martes ng nakaraang linggo nang salakayin ng Maute gunmen na may bitbit na bandilang itim ng Islamic State (IS), ang lungsod sa pagsusumikap na mapigilan ang mga tropa ng pamahalaan sa pag-aresto kay Isnilon Hapilon, ang lider ng Abu Sayyaf Group, na nasa talaan ng most-wanted terrorists ng US government.

Nakatakas si Hapilon ngunit hinihinalang nasa loob pa rin ng Marawi, ayon kay military spokesman Brigadier General Restituto Padilla.

Ayon kay Padilla, 89 militants ang napatay sa pagsusumikap ng mga terorista na masagip si Hapilon.

Aniya, patungo ang militar sa “very positive” progress na matapos na ang krisis, na nagresulta rin sa pagkamatay ng 21 security forces at 19 sibilyan.

Gayonman, aminado si Padilla na marami pang mga residente ang na-trap at 10 porsiyento pa ng lungsod ang kontrolado ng mga terorista.

“That 10 percent is most likely the area that is heavily guarded and defended by any armed men if they are protecting any individual of high value,” pahayag ni Padilla.

Ngunit sinabi ni Padilla, hindi pa nila batid kung ilang militants na lamang ang nalalabi.

8 MAUTE MEMBERS
SUMUKO, KUMANTA

WALONG miyembro ng Maute group ang sumuko sa Marines na kabilang sa operasyon sa Marawi City.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ang walong miyembro ng Maute ay nagtago sa isa sa conflict areas sa lungsod.

Ayon kay Padilla, nagmula ang impormasyon kay Marine Brig. Gen. Custodio Parcon.

“And these individuals have been talked to and debriefed and have provided very, very valuable intelligence,” pahayag ni  Padilla sa ginanap na Mindanao Hour sa Malacañang.

Samantala, itinanggi ni Padilla na isang kaanak ni Omar Maute, kabilang sa mga lider ng terror group na umatake sa Marawi noong 23 Mayo, ang nadakip sa Ninoy Aquino International Airport.

“Iyan pong balitang ‘yan na pumasok po eh hatinggabi kagabi at saka a little bit earlier, naitanong po sa atin ito and we have clarified with all the agencies particularly airport authorities and this is untrue, negative,” aniya.

“Ang tunay na lumabas dito ay meron… na inimbita lang po para tanungin at ito’y nangyari sa Terminal 3 at ang… pagkatapos ng imbitasyon na ‘yan at pag-usisa po sa kanyang pinangga-lingan, paroroonan, at ng kanyang tinitirahan, pinakawalan na rin po siya,” dagdag ni Padilla.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *