NASA kustodiya na ng pulisya ang tatlong “persons of interest” sa kambal na pagsabog sa Quiapo, Maynila nitong 6 Mayo.
Ayon sa ulat, ang tatlong “persons of interest” ay kinuha sa Subic, Zambales at dinala sa Manila Police District.
Ayon sa pulisya, ang tatlo ay nakita bago at nang maganap ang kambal na pagsabog, na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim iba pa.
“They were invited and brought for questioning because we have information that they were present during the bombings,” pahayag ni MPD director, Chief Supt. Joel Coronel.
“But based on the investigation conducted, there’s no evidence to establish that they are connected with the bombings,” ayon kay Coronel, idinagdag na ang tatlo ay maaaring palayain.
Sa unang insidente, sumabog ang package na inihatid ng Grab Express rider para sa Shiite Muslim cleric at Bureau of Internal Revenue official na si Nasser Abinal.
Ang Grab Express rider at ang lalaking tumanggap ng package para kay Abinal, ay kapwa namatay sa nasabing pagsabog.
Habang sa pangalawang pagsabog ay nasu-gatan ang dalawang pulis habang nagsasagawa ng clearing operation sa unang blast site.
Magugunitang sinabi ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, personal na alitan ang nakikita nilang motibo sa bomb attack.