INILABAS ng Commission on Higher Education nitong Lunes, ang ina-probahang aplikasyon ng 268 private higher education institutions (HEIs) para sa pagtataas ng kanilang matrikula at iba pang bayarin para sa academic year 2017-2018.
Ang inaprobahang aplikasyon ay kumakatawan sa 16 porsiyento ng kabuuang bilang ng 1,652 private HEIs sa bansa. Ito ay 36 porsiyentong mas mababa kaysa 304 HEIs na pinayagang magtaas ng kanilang matrikula sa nakaraang academic year.
Ayon sa CHED, ang approved average increase sa matrikula ay 6.96 porsiyento o P86.68 per unit, habang ang pagtataas sa ibang school fees ay 6.9 porsiyento o P243.
Ang pagtataas ay depende sa HEI at sa kanilang rehiyon.
Ang highest tuition hikes per unit ay P119.55 o 4.75 porsiyento sa Metro Manila, P49.07 o 3.05 porsiyento sa Calabarzon at P49.50 o 8.64 porsi-yento sa Central Luzon.