Thursday , December 19 2024

Matanda na para magpa-tattoo pa!

Hahahahahahahaha! Ano kaya ang nakain nitong si Bubonika at nagpalagay pa ng tattoo sa kanyang mga braso.

Feeling bagets, gurang na naman. Harharharharharharhar!

‘Yang paglalagay ng tattoo ay para lang sa mga bata at bagets at ‘di na nababagay sa may edad na babae lalo na’t ang laki-laki ng tiyan at kulang sa porma.

Anyway, nagpi-feeling young si Bubonika kung kaya nagpalagay ng mga tattoo. Dati, and this was some twenty years ago, nagpalagay siya ng tattoo na tweettie bird sa mga peklat niya sa binti.

Para nga naman hindi obvious na Joaquin Burdado ang kanyang mga binti. Hahahahahahahahaha!

Ngayon naman, nagpadagdag ng malalaking tattoo.

I honestly don’t know what this matrona is trying to prove.

Would she like to defy the aging process or is she trying to hopelessly hold on to her fading youth?  Hahahahahahahahaha!

Kung ‘yan ang purpose niya, why doesn’t she go on a diet para at least ay bumata ang kanyang projection?

Hindi ganyang nagpapa-tattoo siya ng kung ano-ano, marumi tuloy tingnan.

Honestly, hindi na bagay sa isang llebo sisentang babae ang pagpapa-tatto pa ng kung ano-ano sa katawan.

Parang yucky!

Yucky raw, o! Hahahahahahahahahaha!

Saan ka ba naman nakakita ng lola na’y nagpipilit pang bumata sa pamamagitan ng pagsunod sa uso.

Tanggapin na kasing matanda na at umarte nang naaayon sa kanyang edad at hindi ganyang nagpi-feeling bagets, ‘di na naman bagay.

And speaking of Fermi Chakah, wala pa ring pagbabago ang kanyang inaamag na diskarte sa kanyang pipito na lang yata ang nanonood at nakikinig na mga tao dahil sa yosi-kadiring batian portion na consistently staged from beginning up to end talaga. Harharharharharhar!

Sabagay, I can’t blame this old woman dahil bread and butter niya ang kanyang show racket.

At ‘yung mga binabati niya ay mga taong binebentahan niya ng tickets.

How gross! Hahahahahahahahaha!

Sige na nga.

Sige na nga raw! Hahahahahahahahahaha!

SOSYAL ANG ENGAGEMENT
RING NI MAX COLLINS!

Nag-decide na si Pancho Magno na mag-propose na sa kanyang girlfriend of four years na si Max Collins nang magbakasyon sila sa Boracay last May 14, 2017.

They shared the good news, that same day, via their respective Instagram accounts.

Anyway, sa isang interview, ini-recall ni Max nang mag-propose sa kanya si Pancho.

“Nagpaalam muna siya sa lola ko, sa buong family ko. Alam na rin ng mom ko. And noong nasa beach kami, sa Boracay, and then my mom said, sige, akyat na raw muna siya sa room niya.

“Tapos sabi niya sa akin, ‘Dito muna tayo.’ Kasi gusto ko na sana umakyat.

“Sabi niya, ‘Nakapagpaalam na ako sa lahat, but I haven’t asked you yet.’

“Lumuhod siya, and then, ayun na, iyakan, that’s it. I cried, he cried, we both cried.”

Being the private person that she is, she doesn’t want to talk in detail about the wedding but she said that it has to be in a garden.

“Dream wedding ko, garden talaga at saka maraming pagkain,” she enthuses. “That’s it, it’s very simple lang. Basta masarap ‘yung pagkain, masaya na ako.”

At this juncture, she flashed her simple yet elegant engagement ring.

Right now, they really want to develop their relationship.

“I guess, we try not to make deal about our fights, because we know we’re gonna end up together anyway.

“So, kailangan magkaayos na kami.

“There isn’t a doubt na maghihiwalay na kami, parang gano’n, mas solid na kami.”

Hitsura ng nagbabasa ng Pasyon!

We were invited by our nephew Abe Paulite to watch the show of some refreshing new talents at Music Hall in Metrowalk, Pasig.

Of course we didn’t have any lofty expectations for the performers were basically new.

Ang nakatatawa, ‘yung main headliners ay mga so-so lang ang performance at ‘yung curtain raisers ay siyang tunay na may K.

‘Yung lady politician na headliner ay dapat na lang sigurong mag-focus sa kanyang political career dahil as a performer, wala siyang promise.

Bukod sa she tends to be off-key ay hindi rin namin mapatawad ang suot niya.

I’m not saying this out of being bitchy but she doesn’t any promise as a singer. Mag-focus na lang siya sa mga project niya sa kanilang lugar kung saan isa siyang konsehal dahil doon siya nababagay.

Honestly, the concert scene happens not to be her bailiwick. Kung noong bata pa siya ay talkable ang kanyang pagkanta, this time when the young singers are definitely hugging the concert scene, she should take the backseat and give it to them for the simple reason that she doesn’t have any right to be in it.

‘Yan ay isang friendly advice at hindi pagtataray.

Hayaan mo na ang show rackets na ‘yan sa mga taong may K. At this point, you have to admit that singing is not for you.

You’re better off as a politician where you happen to be voted as the number one councillor but you have to admit that singing is not for you.

Anyway, talking about singing, we had the most pleasant surprise of our life when it was Pauline Cueto’s time to sing.

Medyo may konting problema siya sa weight but she makes up for it by way of her beautiful face, along with her admirable fashion sense. Maganda siyang magdala ng damit at napakaganda ng dating niya onstage, not to mention the fact that she sings like an angel.

Suwabeng-suwabe ang kanyang pagkanta at nakalilibang siyang panoorin with her sophisticated way of singing na in na in at bagay na bagay sa kanyang edad.

‘Yan ang singer!

Tunay na may K!

Period!

The way we look at it, konting panahon pa at makikilala rin sa music world ang bata. Konting diet pa at lalo kang gaganda.

And that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *