HALOS kalahating mil-yon ang dumalo sa dalawang araw na gawain sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan nitong 20-21 Mayo sa saliw ng musika at kantahan, pagtatam-pisaw sa gahiganteng water slide, bazaar at iba pang kakaibang mga pasilidad palaruan sa ikatlong pagtatampok ng Maligaya Summer Blast!
Ayon kay Maligaya Development Corporation Chief Operating Officer na si Atty. Glicerio P. Santos IV, hindi nila inasahan ang pagdagsa ng mga nagsilahok sa pagdiriwang na hinigitan ang bilang ng mga nakalipas na taong pagsasagawa nito.
“Mahigit 200,000 katao ang pumuno sa iba’t ibang venue dito sa Ciudad de Victoria na ki-nabibilangan ng Philippine Sports Stadium at ng Philippine Arena na isinagawa ang mga konsiyerto ng mga kilalang pangalan sa larangan ng OPM (Original Pilipino Music) gaya ni Pilita Corales, Rico J. Puno, Victor Wood, Eva Eugenio, at Rey Valera,” ayon kay Santos.
Kasama sina Morissette Amon at ang 70s Band, ang mga nasabing mang-aawit ang nagbigay ng akmang ‘pasabog’ sa Maligaya Summer Blast na humarana sa libo-libong mga tagahanga na umapaw sa Philippine Arena tampok ang mga Pinoy Klasiks na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” at “Kung Kailangan Mo Ako” ni Rey Valera.
Sa unang araw ng Summer Blast, 50,000 na mga tagahanga ang mada-ling pumuno sa track oval at bleachers ng Philippine Sports Stadium habang umiindayog sa saliw ng mga kantang tampok ng INCPC, Silent Sanctuary, Brownman Revival, Itchyworms, Jumanji, at Part 3.
Ayon kay Santos, “Karapatdapat para-ngalan ang ganitong pagtatampok ang mga dakilang Filipino na musikero’t mang-aawit dito sa Ciudad de Victoria.”
“Ang pangalan ng ating bansa ay nakaakibat sa ating arena at istadyum – ang dalawang gusali na inaasahan naming magbibigay ng dangal sa ating bansa at magsilbing world-class venue na maaari din pagtampukan ng pinakamagagaling sa mundo.”
Bukod sa mga konsi-yerto, nag-enjoy din ang mga nagsidalo sa Maligaya Summer Blast sa napakaraming family-oriented activities gaya ng giant water slides at ziplines, at maging mga pambatang palaruan gaya ng mountain climb, ferris wheel at go karts.
Tinuran ni Santos na bukod sa Summer Blast, ang Unity Games na itinampok ng Christian Fa-mily Organization (CFO) ay isinagawa din sa Phi-lippine Arena at sa kalulunsad na Mega Tent ng Ciudad de Victoria.
“Ang Unity Games ay sadyang ginawa upang bigyang puwang ang pagpapalaganap sa pagkalapit-lapit sa loob ng dalawang araw na pagdiriwang, habang humihimok din sa mga nagsidalo na makilahok sa mga laro gaya ng basketball, volleyball, frisbee, at maging sa e-sports! Meron kaming DOTA tournament sa loob ng Ciudad de Victoria Mega Tent,” ayon kay Santos.
“Kami ay nagpapasalamat sa lahat na sumuporta sa gawaing ito lalo na dahil isinagawa ito sa ilalim ng tema ng pagkakaisa, na kami ay One with EVM,” dagdag ni Santos.
Ayon sa kanya, dahil sa tagumpay ng Maligaya Summer Blast, lalo pang paiigtingin ng Maligaya Development Corporation ang mga susunod na pagtatampok at makaaasa ang mga dadalo sa mas masayang mga aktibidad sa Ciudad de Victoria sa mga darating na buwan.