Saturday , November 16 2024

‘Imported’ terrorists sa 31 todas na Maute (Sa Marawi)

052717_FRONT
KABILANG ang foreign terrorists sa mga napatay sa nagpapatuloy na sagupaan sa Marawi City, ayon sa ulat ng opisyal.

Sinabi ni Armed For-ces spokesperson Restituto Padilla, sa 31 tero-ristang napatay, kabilang ang ilang Malaysians, Singaporeans at Indonesians.

“There are certain fo-reign elements aiding these terrorists in skills related to terrorism, primarily bomb-making,” pahayag ni Padilla.

Ang gobyerno ay nag-deploy ng attack helicopters at special forces upang itaboy ang mga bandido sa nabanggit na lungsod.

“Up to this moment operations are ongoing. There are still firefights between our forces and those of the terrorists and the objective of armed forces is to clear the city,” dagdag ni Padilla.

Ulat ng AFP
31 MAUTE UTAS
SA SAGUPAAN

UMABOT sa 31 miyembro ng Maute terrorist group ang napatay sa nagpapatuloy na sagupaan sa Marawi City, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command (WESMINCOM).

Sinabi ng WESMINCOM, 13 pang miyembro ng Maute group ang na-patay sa dalawang oras na sagupaan nitong Huwebes ng umaga habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga tropa ng gobyerno sa dalawang tulay patungo sa Bangulo, Marawi.

“As of this report, 31 terrorists were already neutralized and 6 high-powered firearms were recovered by the troops,” pahayag ni Brig. Gen. Rolly Bautista, pinuno ng Joint Task Force ZamPeLan.

“Our troops are doing deliberate operations in areas we believe are still occupied or infested with the terrorists’ presence. I specifically ordered our soldiers to locate and des-troy these terrorists as soon as possible,” aniya.

Anim pang sundalo ang napatay sa sagupaan nitong Huwebes, kaya umabot na sa 13 ang death toll sa panig ng pamahalaan, kasunod ang naunang pagkamatay ng limang sundalo at dalawang pulis.

Samantala, 16 sibil-yan ang nasagip sa clearing operations sa Brgy. Kilala.

“We once more call on the people in the community to join us fight terrorism. Provide your security forces with information that will contribute to the neutralization of these agents of deaths and des-truction,” pahayag ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., commander of WESMINCOM.

Apela ng militar
POSISYON NG SUNDALO
SA MARAWI ‘WAG I-POST
SA SOCIAL MEDIA

UMAPELA ang militar sa publiko na huwag i-post sa social media ang mga retrato at video kung saan nakapuwesto ang mga sundalo sa Marawi City.

“Gusto po nating umapela sa mga residente na sana po ay iwasan natin na magpahayag ng impormasyon sa kinalalag-yan ng mga sundalo, lalo na ang pagpo-post sa social media,” pakiusap ni Col. Edgard Arevalo, hepe ng Armed Forces of the Philippines public affairs office.

“Ang mga lugar na ‘yan ay pamilyar sa karamihan ng kanilang supporters at sympathi-zers. Makako-compromise o makapipigil din po ‘yan sa mabilis sana na-ting operasyon,” dagdag ni Arevalo.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga miyembro ng media na nag-uulat ng mga kaganapan sa Marawi, na limitahan ang paggamit ng mga video na maaaring maglantad ng posisyon ng mga sundalo.

“Yung ibang video footage natin nakakara-ting din po ang impormasyon na ‘yan sa ating mga kalaban sa pa-mamagitan ng supporters at sympathizers nila na nanonood sa telebisyon,” ani Arevalo.

Sa ilalim ng martial law
CENSORSHIP SA MINDANAO
IPATUTUPAD NG MILITAR

MAAARING magpatupad ng ‘censorship’ sa Mindanao makaraan ideklara ang martial law bunsod nang pag-atake ng Maute group, ayon sa opisyal.

Sinabi ni Armed For-ces spokesperson Restituto Padilla, “military will exercise its right to censure” upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at hindi mapunta sa maling kamay ang sensitibong operational information.

Ayon kay Padilla, wala pang mga alintuntunin sa posibleng pagpapatupad ng censorship, ngunit tiniyak niya sa publiko na igagalang ng militar ang karapatan ng mga sibilyan at magiging ‘marahas’ lamang sa mga gagawa ng rebelyon o pagsalakay.

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mindanao sa martial law makaraan kubkubin ng local terrorist group ang Marawi City.

“NO ID, NO ENTRY”
SA ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY – Iniutos ng local government ang pagpapatupad ng “No ID, No Entry” policy, bilang bahagi ng pagtitiyak ng seguridad sa lungsod.

Ang utos ay inirekomenda kay Mayor Beng Climaco ng Task Force Zamboanga, ayon sa ulat ng public advisory mula sa local government.

“The public, particularly travelers are advised to always carry identification documents or any proof of identity at all times,” ayon sa public advisory

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *