Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seguridad sa NAIA hinigpitan ng ASG

PARA sa mahigpit na seguridad, pinaghuhubad ng sapatos ang mga umaalis na pasahero, piloto at flight crew para isailalim sa X-ray machine sa final security check sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) terminals. Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang 60-araw ng martial law sa Mindanao. (JERRY YAP)
PARA sa mahigpit na seguridad, pinaghuhubad ng sapatos ang mga umaalis na pasahero, piloto at flight crew para isailalim sa X-ray machine sa final security check sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) terminals. Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang 60-araw ng martial law sa Mindanao. (JERRY YAP)

NAKAALERTO ang mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security group sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport, habang ipinatutupad ang martial law sa rehiyon ng Mindanao.

Todo-bantay ang mga pulis sa paparating at papaalis na mga pasahero sa paliparan.

Nitong Huwebes ng u-maga, ilang miyembro ng Gabinete, kabilang sina PNP Chief Ronald “Bato” De La Rosa, Department of Transportation Sec. Art Tugade at Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar, ang lumipad patungong Davao City para sa isasagawang Cabinet Meeting na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat, inihayag ni Secretary Tugade, dapat maging kalmado ang mga mamamayan at dapat “business as usual” lamang ang lahat.

Habang iginiit ni Secretary Andanar, walang dapat na ikabahala ang taong-ba-yan, at wala ring dapat ipa-ngamba ang lehitimong mga mamamahayag dahil hindi naman sila pagbabawalan na mag-cover sa martial law sa Mindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …