MOSCOW, Russia – HUMIRIT ng “soft loan” si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Valdimir Putin upang ipambili ng mga armas para gamitin sa kampanya ng Filipinas kontra-terorismo.
Sa kanilang bilateral meeting kamakalawa ng gabi bago bumalik sa bansa mula sa pinaikling official visit sa Russia , humingi ng paumanhin si Duterte dahil kailangan niyang bumalik sa Filipinas upang harapin ang krisis sa Mindanao na likha ng teroristang Maute Group.
Ikinatuwiran ng Pa-ngulo na ang mga inorder na armas sa Amerika ay kinansela ni Uncle Sam kaya nagpapasaklolo siya sa Russia para labanan ang Maute Group, lokal na organisasyon ng international terror group Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
“I am sorry if I am in a hurry but I need to buy, if you can grant me a soft loan, we’ll use the money and pay it right away because the arms that we ordered from America was cancelled and… the ISIS…,” anang Pangulo kay Putin sa bilateral meeting nila sa Kremlin.
“Please consider us as a good friend. I came to visit your place and it’s to establish stronger bila-teral relations…,” anang Pangulo.
Nakiramay si Putin sa bansa sa prehuwisyong ginawa nang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City at umaasang hindi na lumaki ang pinsala at bilang ng mga magbubuwis ng buhay.
“At the outset of our conversation, I would… I have to express our condolences as a matter of fact, loss of lives of your people happened because of a horrible terrorist attack. And my colleagues and myself definitely understand quite well that you do have to come back to return to your motherland. And let me express hope that the conflict that you have just mentioned will be resolved as soon as possible and with mi-nimal losses and casualties,” ani Putin.
Marami aniyang mapagkakasunduan ang Filipinas at Russia, partikular sa larangan ng e-nerhiya, transportasyon at impraestruktura.
Nangako si Putin na hindi maaapektohan ang mga nakakasang kasunduang inihanda sa pagbisita ni Duterte kahit umuwi siya sa Filipinas dahil maiiwan sina Fo-reign Affairs Alan Peter Cayetano at Trade Secretary Ramon Lopez upang lagdaan ito.
Kahit nasa ibang rehiyon ng Russia ay humangos sa Moscow si Putin nang mabatid na uuwi na si Duterte upang makapag-usap sila kahit ilang minuto bago bumalik ng Filipinas ang bisita.
“But you and I know that our teams have worked hard and prepared a full package of bilateral documents, ins-truments.
“As you probably know, I spent this day away from Moscow in one of our regions. And that I have seized the chance to see you in person. Thank you for accepting our invitation and coming to the Russian Federation. And I hope that we will take advantage of the few minutes that we have before you leave for the airport to talk our bilateral and the regional situation as well,” ani Putin.
Nag-usap pa nang i-lang minuto sa isang closed-door meeting sina Duterte at Putin bago ni-lisan ng Pangulo ang Moscow.
Bago ang kanilang bilateral meeting ay idineklara ni Duterte ang martial law sa buong Min-danao kamakalawa ng gabi bunsod ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
HATAW News Team
MARTIAL LAW GAGAMITING
PROTEKSIYON NI DUTERTE
PARA SA BAYAN
HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa martial law ang buong bansa kapag hindi naglubay sa pag-atake ang teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
“If I think that the ISIS has already taken foothold also in Luzon, and terrorism is not really far behind, I might declare martial law throughout the country to protect the people,” anang Pangulo sa press briefing pagbalik sa Filipinas mula sa pinaikling official visit sa Russia kahapon.
Matagal na aniya si-yang nagbabala na huwag siyang pilitin na ilagay sa sitwasyon na magdeklara ng batas militar dahil ti-yak na tatapusin niya ang lahat ng problema sa Mindanao.
Habang nasa Russia kamakalawa ng gabi’y nagdeklara ng martial law si Duterte sa buong Mindanao bunsod nang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
Nagbanta ang Pangulo na dadanak ang dugo ng mga terorista dahil papatayin sila ng militar.
Nagbigay ng shoot-to-kill order ang Pangulo sa lahat ng may dalang armas na walang lisensiya.
“If I think that you should die, you will die. If you fight us, you will die. If there’s an open defiance, you will die. And if it means many people dying, so be it. Ganon talaga. Sinabi ko na sa inyo, do not force my hand. But we are not new in what is the nature of martial law in the Philippines,” anang Pangulo.
“But if you confront government and my orders are one: to enforce the law. And anyone caught possessing a gun and confronting us with violence, my orders are shoot to kill. I will not hesitate to do it. My human rights is different. It is an institutional theory which we will reserve and observe,” dagdag niya.
Nangako siya na bababa sa poder kapag nabigo siyang lutasin ang suliranin sa terorismo habang umiiral ang martial law.
Kabilang sa mga ipa-tutupad alinsunod ng batas military ay pagsuspinde sa writ of habeas corpus, checkpoints, curfew sa Lanao del Sur, Lanao del Norte, Ma-guindanao, Sultan Kuda-rat, North Cotabato, at Zamboanga.
Ngunit hindi aniya papayagan na mag-abuso ang military, bukas pa rin ang mga hukuman pero sa ilalim ng martial law ay ubra nang ipatupad ng military ang ‘arrest, search and seizure order” o ASSO.
“It would take me maybe 60 days, 15 days but you can be very sure that the response of go-vernment will be not only equal but commensurate to the resistance of the law. Checkpoints will be allowed, searches will be allowed, arrest without a warrant will be allowed in Mindanao. And I do not need to secure any search warrant or a warrant of arrest,” dagdag ng Pa-ngulo.
Tiniyak niya na ihahatid ang kaunlaran sa Mindanao kapag napuksa ang terorismo at kri-minalidad sa rehiyon.
(ROSE NOVENARIO)
MARTIAL LAW SA MINDANAO
SUPORTADO NG SENADO
TANGING si Senador Antonio Trillanes lamang ang senador na hayagang tumutol sa pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Ayon kay Trillanes, batay sa impormasyong kanyang nakalap, walang dahilan para magdeklara ng batas militar si Pangulong Duterte.
Idinagdag ni Trillanes, hindi hiningi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdedeklara ng batas militar.
Aniya, dapat ay sa Marawi lamang ideklara ang martial law kung ta-lagang kailangan at hindi sa buong Mindanao.
Inakusahan ni Trillanes ang Pangulo na ikinokondisyon ang taong bayan dahil ang tunay na pakay ay pagdedeklara ng martial law sa buong bansa.
Samantala, nagpahayag ng suporta ang i-lang mga senador sa na-ging hakbang ni Duterte, kabilang sina Senators Joel Villanueva, Sonny Angara, Chiz Escudero, JV Ejercito, Panfilo Lacson, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Bam Aquino, Manny Pacquiao, Richard Gordon, Senadora Cynthia Villar, at Nancy Binay.
Ngunit paalala ng mga senador, dapat isaalang-alang ang karapatang pantao at maging ang umiiral na batas.
Tinukoy ng mga senador, sa kabila na mayroong umiiral na martial law, nananatiling epektibo ang mga batas sa ilalim ng saligang batas.
Hinihintay ng mga senador ang ipadadalang report ni Duterte sa loob ng 48-oras hinggil sa dahilan ng kanyang deklarasyon.
Sa ilalim ng batas, may kapangyarihan ang Pangulo na magdeklara ng batas militar ngunit limitado ang kanyang kapangyarihan.
Dahil patuloy pa ring umiiral ang Writ of Habeas Corpus ay hindi maaaring ipatupad ang warrantless arrest.
Bukod dito, mayroong kapangyarihan ang Kongreso na bawasan o dagdagan ang period ng martial law, o limitahan ang sakop nito.
Kaugnay nito, nagkaroon ng caucus ang mga senador para talakayin ang naging hakbang ng Pangulo. (NIÑO ACLAN)