WALANG Filipino na kabilang sa mga binawian ng buhay at nasugatan sa naganap na pagsabog sa Ariana Grande concert sa Manchester City nitong Martes, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“So far, fortunately, no reports of Filipinos among the casualties. Embassy still closely monitoring the situation,” pahayag ni DFA acting spokesperson Robespierre Bolivar.
Ayon sa ulat, umabot sa 22 katao ang namatay at marami ang nasugatan sa insidente.
Hinihinala ng pulisya, suicide bomber ang umatake sa labas ng Manchester Arena, habang nagko-concert si Grande sa harap ng maraming tao, kabilang ang mga menor-de-edad.
Sinabi ng Greater Manchester Police, u-mabot sa mahigit 50 katao ang nasugatan sa insidenteng naganap dakong 10:30 pm nitong Lunes (5:33 am in Manila Tuesday).