MOSCOW, Russia – HINDI mangingimi ang militar na maglunsad ng “surgical operations” laban sa teroristang Maute Group na kumubkob sa Marawi City kahapon.
Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasunod nang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
“When opportunity presents itself,” ani Esperon.
Ang ”surgical operation” ay nangangahulugan na tukoy ang targets at babagsakan ng bomba ng FA-50 jets ng militar gaya ng ginawa noong Enero sa Lanao del Sur sa kuta ng Abu Sayyaf Group, na ikinasugat nina Isnilon Hapilon, at magkakapatid na Abdullah, Omar and Otto Maute, at iba pang dayuhan na kasapi nila.
“We are inserting two recon companies asap. Ranger and light reaction coy ( our Delta force in SOCOM),” ani Esperon sa la-test directive sa AFP.
Binigyan na nina Espe-ron at Defense Secretary Delfin Lorenzana ng update si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa official visit dito.
Wala aniyang balak na putulin ni Pangulong Duterte ang pagbisita rito na nakatakdang matapos sa 26 Mayo.
Tiniyak ni Esperon na kontrolado ng estado ang sitwasyon at ginagawa ang lahat ng paraan upang maiwasan may mapinsalang sibilyan sa operasyong mi-litar. (ROSE NOVENARIO)