MARAMI ang na-react sa isang blind item ko sa Facebook about this singer na na sobrang inidolo ko simula palang ng kanyang karera.
Actually naging fan ako nito. Lahat ng album niya, super, mayroon ako at baon-baon ko sa kotse ko. Hindi pa man sumisikat ng todo, lumaki na ang ulo.
Nabingi at nabulag ng kapiranggot niyang kasikatan na hindi pa man sumisikat ng todo ay palaos na.
Paano naman kasi, mga feelingero at feelingera ang talent management niya na kung makita mo sa kalawakan ay akala mo kung sinong mga nagtataasang tao na untouchables.
Siyempre, tinuruan nila ‘yan ng kung sino lang ang dapat pansinin sa press at hindi.
DA WHO? Naku, huwag niyo na kilalanin dahil hindi naman siya sikat dahil laos na siya. (Dominic Rea)