MAGSASAGAWA ng “security adjustment” sa Manila concert ni Ariana Grande kasunod nang pagsabog na ikinamatay ng 22 katao sa Manchester concert leg ng pop star, ayon sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes.
“The organizers of the Ariana Grande concert (in the Philippines) must involve the local PNP unit so that appropriate security arrangements and assistance can be extended to ensure the safety of the concert goers,” pahayag ni Chief Supt. Dionardo Carlos, PNP spokesman.
Kaugnay nito, iniutos ni Supt. Carlos sa production team ng concert ni Grande na ipakita ang kanilang security plan para sa event at makipag-coordinate sa local authorities.
Ang American singer ay nakatakdang magsagawa ng one-night only concert sa Manila sa 17 Agosto sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Humingi ng paumanhin si Grande sa kanyang fans makaraan ang pagsabog habang ginaganap ang kanyang concert sa northern England nitong Lunes ng gabi (Martes ng umaga sa Manila)
Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Grande, “Broken. From the bottom of my heart, I am so so sorry. I don’t have words.”
HATAW News Team
WALANG PINOY
SA ARIANA CONCERT
BLAST — DFA
WALANG Filipino na kabilang sa mga bina-wian ng buhay at nasu-gatan sa naganap na pagsabog sa Ariana Grande concert sa Manchester City nitong Martes, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“So far, fortunately, no reports of Filipinos among the casualties. Embassy still closely monitoring the situation,” pahayag ni DFA acting spokesperson Robespierre Bolivar.
Ayon sa ulat, umabot sa 22 katao ang namatay at marami ang nasugatan sa insidente.
Hinihinala ng pulisya, suicide bomber ang umatake sa labas ng Manchester Arena, habang nagko-concert si Grande sa harap ng maraming tao, kabilang ang mga menor-de-edad.
Sinabi ng Greater Manchester Police, u-mabot sa mahigit 50 katao ang nasugatan sa insidenteng naganap dakong 10:30 pm nitong Lunes (5:33 am in Manila Tuesday).
PAKIKIRAMAY
SA UK IPINARATING
NI DUTERTE
MOSCOW, Russia – Nagpahatid ng taos-pusong pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng mga namatay sa pagsabog sa Ariana Grande concert sa Manchester, United Kingdom, kamakalawa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hinangaan ni Pangulong Duterte ang maayos na pagtugon ng mga awtoridad sa madugong insidente.
“Philippine President Rodrigo R. Duterte sends his deepest sympathies and concern to the families of the dead and wounded in the Manchester incident; as well as appreciation for the excellent handling by police/security forces,” ani Abella. Nakikiisa aniya ang Filipinas sa paglaban ng UK kontra extremism.
(ROSE NOVENARIO)