MOSCOW, Russia – INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may plano ang Central Inteligence Agency (CIA) ng Amerika na ipatumba siya dahil sa pagpapatupad ng independent foreign policy na mas nakakiling sa China at Russia kaysa Uncle Sam.
“They do it. Does it surprise you? They can even take the president out of his country for him to face trial in another country,” sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Maria Finoshina ng Russian TV.
Paliwanag ng Pangulo, hindi siya kalaban ng Amerika, sa katunayan ay kaibigan niya si US President Donald Trump ngunit ang kanyang fo-reign policy ngayon ay palayo sa Kanluran dahil hindi ito tumutupad sa mga usapan.
Tinanggihan niya ang $200-M ayuda ng European Union (EU) na may kaakibat na pakikialam sa Filipinas.
“I have nothing against America. They’re perfectly alright. Trump is my friend. But my foreign policy has shifted from the pro-Western one. I am now working on alliance with China, and I hope to start a good working relationship with Russia. Why? Because the Western world, the EU, and everything – it’s all this double talk. So, the EU granted us 200 million, and this grant carried with it a condition that this money would be used to improve the human rights, and so on and so forth. I said, “No. I don’t need it,” anang Pangulo.
Inamin ni Pangulong Duterte, tinanggihan niya ang imbitasyon ni Trump na bumisita siya sa Amerika dahil sa kanyang busy schedule.
Matatandaan, ilang beses nang binatikos ng Pangulo ang US sa pagpapanggap na kontra sa human rights violations ngunit walang patumangga kung sakupin o atakihin ang ibang bansa gaya ng Panama, Iraq, Afghanistan, Libya at Syria, na ikinamatay ng milyon-milyong katao.
ni ROSE NOVENARIO