HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa prehuwisyong dulot nang tatlong pagsabog sa Quaipo, Maynila kamakailan.
Sa pilot episode ng kanyang programa sa PTV4 “Mula sa Masa, Para sa Masa” noong Biyernes, tiniyak ni Pangulong Duterte na ang pagsabog ng pipe bombs sa Quiapo ay walang kinalaman sa te-roristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Anang Pangulo, ‘rido’ o gantihan ng magkakalabang pamilya ng Moro ang sanhi ng pagputok ng pipe bombs, at nag-ugat ang hidwaan sa awayan sa pera.
Ipinadala aniya ang pipe bomb sa isang courier company kaya pati ang nag-deliver ng pakete ay kasama sa mga namatay.
“I’m assuring you, it is not the handy work of ISIS, hindi naman sabihin mo, Ilagay mo lahat naman sa ISIS, hindi naman ganoon. Why do we — I do not like ISIS but I do not want also to attribute things na hindi naman nila ginawa. And so, let’s put things in the proper perspective para we act too fairly in everybody’s thing, and this is not theirs. So parang away ito riyan sa loob and personal, always I think it’s mo-ney but if there is something else in the theory, I do not know but it could always, I said, begin with the money matters. Will almost or quarrels begin with money, iyon ang masasabi ko. And I assure our country that… well, ISIS is doing their thing which are altogether but huwag naman nating i-ano sa kanila iyong hindi nila ginawa. It’s wrong and besides it could just mislead that person into believing things that are, when they are not,” aniya.
(ROSE NOVENARIO)