Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Callamard sinungaling (Hihilahin sa kulungan) — Digong

052217_FRONT
IPADARAKIP ni Pangulong Rodrigo Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard pagbalik sa bansa sa kasong perjury o pagsisinungaling.

Anang Pangulo, titiya-kin niyang babagsak sa kulungan si Callamard dahil sa paglalako ng maling impormasyon sa Filipinas na walang masamang epekto sa isipan ang paggamit ng shabu.

Kung nais aniya ni Callamard na tumestigo laban sa kanya sa kahit anong kaso, kailangan idaan ito sa sinumpaang salaysay upang may panghahawakang dokumento.

“You have pre-judged me and sinong gago na papayag pumunta ng investigation na ganoon na pre-judged na ninyo iyong shabu as one that, one chemical that does not rea-lly affect or damage the brain of the person. You must be kidding. You must be kidding. Kayo ang da-pat i-indict ko and you want to have a public debate? Come here. Basta if you want to testify against me. You must be under oath including the rapporteur. If you want to state your charges, be under oath because if there is anything false or a lie there, I will go after you. And I will see to it that you go to jail for… talagang hahatakin, even if you are a foreigner. I don’t know if you enjoy diplomatic advantage but again kapag ka ginawa mo iyan dito. I will arrest you. You committing perjury,” sabi ng Pangulo sa programa niya sa PTV4 na “Mula sa Masa Para sa Masa” noong Biyernes.

Sabi ng Pangulo, sa nakalipas na tatlong taon ay naitala ang 77,000 krimen na kagagawan ng mga sangkot sa shabu, gaya ng rape, robbery, homicide, murder, parricide, at iba pang karumal-dumal na krimen.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …